top of page
Search
Maeng Santos

10 barangay sa Navotas City, balik-ECQ


Muling isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang sampung barangay sa Navotas City na may matataas na kaso ng COVID-19, simula Mayo 23 hanggang May 31, 2020.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, sa RIATF NCR Resolution No. 3, pinayagan ang lungsod na isailalim sa ECQ ang mga Barangay NBBS Dagat-Dagatan, NBBS Kaunlaran, NBBS Proper, San Jose, NBBN, Sipac Almacen, Daanghari, Tangos North, Tangos South at San Roque.

Ang mga residenteng tanging may hawak ng home quarantine pass (HQP) ang makalalabas para mamili ng mga pangangailangan.

Ang mga essential workers o mga manggagawang exempted ng IATF, tulad ng mga nagtatrabaho sa fishport ay maaari pa ring pumasok sa trabaho dala ang kanilang company ID o certificate of employment.

Patuloy naman ang pamamahagi ng SAP, relief goods at iba pang tulong, alinsunod sa schedule ng mga barangay.

“138 na po ang mga kaso ng COVID-19 sa ating lungsod. Kailangan nating habulin ang pitong araw na niluwagan natin ang galaw ng ating mamamayan. Ang paghihigpit po na kaakibat ng pagpapatupad ng ECQ ay para rin sa ating kabutihan”, ani Mayor Tiangco.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page