Magiting man na atleta ng Olympics isa ang pamosong Italian marathoner na si Francesco Perrone ang pumanaw dahil sa COVID-19.
Nagpahayag ng kalungkutan ang governing body ng track and field sa daigdig ng World Athletics dahil sa pagpanaw ni Perrone na may edad 89.
Si Perrone ay Italian champion sa larangan ng 5,000 meters, 10,000 meters, marathon at cross-country noong 1950s. Pero mas nagmarka sa kanyang mga kababayan ang paglahok nito sa 1960 Rome Olympics bilang marathoner nang maging top finisher siya ng host-nation na Italy. Tinapos ni Perrone, na noon ay 27-taong-gulang pa lamang, ang karerang napagwagian ni Euthopian Abebe Bikila (2:15:16.2) sa tiyempong 2:31:32.
Ang athletics icon ay tubong Cellino San Marco sa Brindisi, Italy. Bahagi rin siya ng athletic club na Gruppo Sportivo Fiamme Oro.
Maliban kay Perrone, namatay rin dahil sa COVID-19 ang isang moog ng Japanese Olympic Committee (Matsushita Saburo, Japan), isang opisyal ng International Fencing ( Antonio Melo, Venezuela), unang black boxing referee ng Olympics (Carmen Williamson, USA), dating Southeast Asian Games swimming champion (Lukman Niode, Indonesia), at ang dating European middle distance track king (Donato Sabia, Italy).