top of page
Search
Lolet Abania

Mga senyales na stressed out na


Sa nangyayari ngayon sa buong mundo, hindi maiiwasan ang sobrang pag-iisip, pag-aalala at takot na nararamdaman. Sa umaga pa lang, binubuksan na natin ang T.V. para manood ng balita at malaman ang mga kaganapan. Halos buong maghapon na naghihintay tayo sa kung anong susunod na mangyayari at hindi natin namamalayan stressed out na pala tayo.

Ang stress ay normal na parte ng buhay at kadalasan, nakatutulong pa ito para magkaroon tayo ng motibasyon na magtrabaho at magsumikap sa buhay. Pero kung hindi mo maha-handle at mararanasan pa nang matagal ang stress, siguradong may epekto ito sa iyong kalusugan. Heto ang mga senyales na ang isang tao ay stressed na:

  1. Headache. Nakakaramdam ka ng sobrang sakit ng ulo na parang binibiyak at paulit-ulit. Hindi mo maintindihan kung saan nanggagaling ang sakit na kahit nakainom ka na ng gamot ay masakit pa rin at kung minsan ay buong ulo ang kirot pati na anit.

  1. Fatigue. Nakakaranas ka ng matinding pagod at masakit na katawan. Masasakit ang mga kasu-kasuan at mga binti na halos hindi ka makalakad. Nahihirapan kang kumilos na parang gusto mo na lang humiga at hindi magtrabaho.

  1. Difficulty sleeping. Gising na gising ka at ayaw mong matulog, kahit pa abutin ka ng umaga. Nahihirapan kang matulog, nakahiga ka man sa kama o hindi. Ang diwa mo ay gising at hindi ka nakararamdam ng antok.

  1. Difficulty concentrating. Nahihirapan kang makapagpokus kahit kinakausap ka at wala kang naririnig at naiintindihan. Halos lahat ng ginagawa mo ay nagkakamali at wala kang natatapos na trabaho. Hindi mo rin alam kung ano ang uunahin dahil natataranta ka na. Iba-iba ang ginagawa at papalit-palit kaya iiwanan mo na lang sa isantabi.

  1. Upset stomach. Nakararamdam ka ng masakit na tiyan tulad ng cramps, constipation at diarrhea. Kadalasan ay pabalik-balik ka sa banyo dahil sa dami ng iyong nilalabas. Minsan, ayaw mo na rin kumain dahil masakit ang iyong tiyan at hindi ka mapakali.

  1. Irritability. Madali kang mainis at magalit. Naiirita ka sa maraming bagay na kahit simpleng problema ay pinalalaki pa. Gayundin, mabilis kang maasar at mapikon kaya kadalasan ay nakikipag-away ka na. Nawawalan ka ng pasensiya sa iyong kausap o kahit sa kaibigan mo.

Kapag ang stress ay hindi mo na-manage nang husto, siguradong lalala ito at magiging malaki ang epekto sa atin at sa ating kalusugan. Nand’yan na ‘yung pagkakaroon ng heart disease, ulcer, high blood pressure, depression, arrhythmia o abnormal heartbeat, skin problem, nagkaka-asthma at fertility problem kaya dapat ay iwasan mo ang ma-stress sa kahit sino o anuman. Gets mo?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page