top of page
Search
Jersy L. Sanchez

Tips para makapag-workout habang sumusunod sa social distancing

Mula nang ipatupad ang Luzon-wide community quarantine, naging limitado ang paglabas natin, kaya naman naudlot ang ilan sa ating mga routine tulad ng pagwo-workout dahil maraming gym ang pansamantalang tigil-operasyon habang ‘yung iba naman ay limitado lang ang pinapapasok sa establisimyento bilang pagsunod sa “social distancing”.

Marahil, nag-iisip na kayo kung paano itutuloy ang inyong pagwo-workout gayung limitado ang espasyo sa mga gym at dahil d’yan, narito ang ilang workout tips:

1. LUMABAS. Yes, besh, puwede ka pa ring lumabas para mag-jogging o maglakad hangga’t hindi mo kinalilimutan ang social distancing. Make sure na magdadala ka ng inuming tubig nang sa gayun ay manatili kang hydrated kahit nasa labas ng bahay. Para ma-set ang iyong mood, oks ding makinig sa iyong workout playlist, podcast o audiobook.

2. ILABAS ANG HOME EQUIPMENT. For sure, hindi mo nagamit ang iyong workout equipment dahil masyado kang naging busy sa araw-araw mong pamumuhay. ‘Wag mong hayaan na mabalot lang ‘yan sa alikabok dahil perfect time ito para magamit ang mga pinagkagastusan mo para sa iyong balik-alindog program.

3. GAMITIN ANG SOCIAL MEDIA. Paano? For sure, meron kayong favorite studio, instructor o health influencer na nagpo-post ng workout routine sa kanilang social media accounts. Sa panahon ngayon, may mga studios na nagli-limit sa kanilang attendees kaya nago-offer na rin sila ng guided workouts na puwedeng makita online.

4. STREAM CONTENT. Dahil iniiwasan nating makihalubilo sa ibang tao, why not i-stream at sabayan ang mga group-type classes na hindi mo napuntahan? Mayroong studio na nagi-stream nang libre ng kanilang mga klase. Make sure lang na magiging matiyaga ka sa paghahanap ng mga ito.

Madali lang, di ba? For sure, hindi na kayo mag-aalala na mahinto ang inyong workout schedule dahil sa ilang tips na ito. ‘Ika nga, kapag gusto may paraan, pero dapat, ‘wag pa ring kalimutan ang mga paalala para makaiwas tayo sa COVID-19? Okie?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page