Nag-inspeksiyon ang mga awtoridad sa mga bentahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.
Ito ay upang matiyak na walang makalulusot na ilegal na paputok na ibebenta.
Kabilang sa mga bawal na paputok ang Piccolo, Sawa, Five Star, Watusi, Giant Whistle Bomb, Giant Bawang, Large Judas Belt, Super Lolo, Lolo Thunder, Atomic Bomb, Triangulo, Pillbox, Boga, Kwiton, Goodbye Earth, Goodbye Bading, Hello Columbia at Goodbye Philippines.
Kaugnay nito, hinikayat ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa ang publiko na isumbong sa kanila kung sinuman ang makikitang magbebenta at gagamit ng ilegal na paputok.
Samantala, aminado naman ang mga vendor sa Bulacan na mahina ang bentahan ng paputok ngayon kumpara noong nakaraang taon.
Matatandaang, ipinagbabawal ang paggamit ng paputok sa mga pampublikong lugar, maliban na lamang sa public display areas na itatalaga ng mga lokalidad.