Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends
Sikat na sikat na ngayon ang Kadenang Ginto lead star na si Beauty Gonzalez. Noon ay hindi siya masyadong napapansin sa mundo ng showbiz, pero hindi siya sumuko.
Sa Dressing Room Exclusives ni Tito Boy Abunda sa show niyang Tonight with Boy Abunda, in-interview niya si Beauty tungkol sa kung papaano nagsimula ang pagkinang ng bituin ng aktres sa showbiz.
Nakakalokah ang sinabi ni Beauty na “My God! Dati, ‘pag sinabi ng bida ‘Tara!’ gagalingan ko talaga ‘yung pagsabi ko ng tara para mahagip ako ng camera.”
Nang matanong siya ni Tito Boy kung naisip na rin ba niya na hanggang doon na lang siya sa pagiging extra-extra lang, ani Beauty, “Hindi ako sumusuko. Kahit nga sa Kadenang Ginto, ‘pag nabubulul-bulol ako, nandu’n pa rin ako sa emosyon ko kasi gusto kong ipakita na I’m worth where I am right now.”
Natawa naman si Tito Boy nang sabihin ni Beauty ang sikreto niya para lang magkaroon ng exposure.
Kuwento ng aktres, “Dati, naglilibre pa ako ng kape sa mga writers para lang madagdagan ‘yung linya ko.
“I mean, gagawa talaga ako ng paraan kasi there’s nothing else I know what to do, eh. Ito na ‘yung alam kong gawin sa buhay ko, eh, and I feel like it’s not yet the end for me.”
Samantala, sinabi rin naman ni Beauty na nakaranas din siya ng diskriminasyon sa mundo ng showbiz nang dahil sa physical appearance.
Aniya, “Dati, ‘di ba ‘pag supporting ka lang, ‘pag pupunta ka sa set, ‘Oh, supporting ka lang naman, ‘lika, itali na lang natin ‘yang buhok mo, powder ka na lang.’”
‘Yun daw ang madalas na gawin sa kanya kaya nagtaka siya kung bakit ganu’n ang trato sa mga supporting actresses.
Minsan daw ay may nagsabi sa kanyang “Hindi ka mabibigyan ng maayos na role because you are a bit big and you’re ano… you don’t look as aspirational.”
Nasaktan daw siya sa sinabing ‘yun sa kanya pero hindi siya sumuko hanggang sa mabigyan na nga siya ng chance na magbida sa isang serye.
Biro ng aktres, “Pero nu’ng kinulot na ‘yung buhok ko kasi bida na ako, ah, feel na feel ko talaga. Sabi ko, ‘Bida na ako kasi kulot na ‘yung buhok ko.’
“Pero dati, wala, ‘di ako nagpapaapekto. Pero minsan, umiiyak din ako. Kasi siyempre, lahat ng kasabayan ko... I mean kaedaran ko, naging bida na…
“Sina Kim [Chiu], kaedad ko lang sina Kim, sina Melissa Ricks, Erich Gonzales, Empress [Schuck], they were already there and I was left behind. Sabi ko noon, paano kaya ito? So, I had to change myself.”
Sinabi rin ni Beauty na masaya naman daw siya dahil feeling niya ay right timing ang pagsikat niya.
Aniya, “I’m happy kasi if it happened to me before, baka lumaki pa ang ulo ko or baka hindi ko naayos ‘yung career ko.”
Well, at least ngayon, talagang byuting-byuti na ang image at role niya sa showbiz industry.