MARAMING bata ang nabibiktima at binabawian ng buhay nang walang kalaban-laban. Isa na nga rito ang pitong taong gulang na mag-aaral na naospital matapos sumailalim sa deworming noong Hulyo 23.
Bagama’t, mahalagang isinasagawa ang pagpupurga, partikular sa mga bata dahil sa pamamagitan nito ay maaari nilang maiwasan ang malnutrisyon, paglaki ng tiyan at iba pang problema sa kalusugan na sanhi ng bulate sa katawan, nakalulungkot na kung ano pa ‘yung mga gawaing akala nating makatutulong para maisalba sila, ito pa ang mitsa ng kanilang buhay.
Kaya nais nating ipananawagan sa Department of Health (DOH) na huwag tumigil sa pag-iimbestiga sa nangyaring trahedya nang sa gayun ay hindi na ito maulit sa iba.
Sa totoo lang, libreng ibinibigay ang pampurga sa mga Municipal Health Center kaya dapat kada anim na buwan ay isinasailalim dito ang mga bata.
Pero ngayon, hindi ba, nakakabahala na?
Samantala, pinapayuhan natin ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak dahil nakukuha ang bulate sa palagiang pagbababad ng bata sa kontaminadong uri ng lupa at pagkain ng mga unhealthy food tulad ng junk foods.
Tandaan, buhay ng bawat isa ay ingatan dahil kahit kailan, hindi ito kayang palitan ng kahit anong halaga.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.