top of page
Search
ROMA AMOR

Babaeng kinakabahan dahil nakararanas ng sintomas ng pagbubuntis


Dear Roma, Ako si Bonita, 22 years old. May BF ako ngayon at dalawang buwan pa lang kami. Noong nakaraan ay may nangyari sa amin at nakararanas na ako ng mga sintomas ng pagbubuntis. Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako dahil hindi ko alam ang magiging reaksiyon ng pamilya ko kapag nalaman nilang buntis ako gayung hindi nila alam na mayroon akong nobyo. Ano ang dapat kong gawin? — Bonita

Bonita, Naku, mahirap ang problema mo, sis, pero may solusyon diyan. Hangga’t maaga pa ay sabihin mo na sa pamilya mo ang sitwasyon mo ngayon nang sa gayun ay hindi sila masyadong mabigla at magdamdam sa iyo. Sa una, magagalit talaga sila dahil naglihim ka, pero nasa wastong edad ka na, kaya for sure ay matatanggap din nila ito kahit ano pa ang kinasadlakan mo. Ipinapayo rin sa iyo na magpa-check-up para malaman mo kung buntis ka talaga. Dagdag pa rito, lakasan mo ang loob mo. Okay? Good luck, sis!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page