top of page
Search

Sey ng experts... PAGLALAGAY NG YELO SA MUKHA, KERING MAKA-FLAWLESS!

BULGAR

SAKTO ngayong summer, bidang-bida ang yelo na ginagamit sa paggawa ng halu-halo, banana con yelo, palamig at mara­mi pang iba. Pero, wait, mga besh, dahil bukod sa pagsasangkap ng yelo sa mga mabentang pagkain at inumin ngayon, keri rin kung ipapahid natin ito sa ating peslak dahil ayon sa mga eksperto, ito umano ay nakapagpa­pakinis ng balat. Wow!

Bukod sa nakatutulong ang yelo para umimpis ang pamamaga kung sakaling tayo ay nagkaroon ng bukol, injury at iba pa, ito rin umano ay nakapag­papaliit ng pores, kaya kung isa kayo sa mga indibid­wal na ayaw tantanan ng mga taghiyawat kaya nagkakaroon ng malalaking pores, baka ito na ang solusyon ninyo para riyan.

Gayunman, ang paglalagay ng yelo sa mukha ay nakagaganda ng blood circulation kaya ito nagiging radiant at glowing skin.

Dagdag pa rito, mainam umano ang yelo, lalo na sa mga beshy natin diyan na madalas nag-i-skin care dahil sa paglalagay nito ay mas maa-absorb ng muk­ha ninyo ang mga produktong ilalagay ninyo rito.

Samantala, bukod sa mga nabanggit, ang pag­lalagay ng yelo sa mukha ay kering maging natural primer, kaya dehins na ninyo kailangan pang bumili ng mahal na produkto, mga besh!

Sa mga mayroong oily skin diyan na matagal ng namumroblema, yelo na ang sagot diyan dahil kaya nitong tanggalin ang inyong pagiging oily. ‘Yun, oh!

Maliban pa rito, kung madalas kayong napupu­yat dahil sa trabaho o eskuwelahan, mainam kung maglalagay kayo ng yelo sa inyong mga mata upang kahit papaano ay mawala ang pagiging puffy nito. Wow, bongga!

Ngunit, hin­di porke oks ito, eh, aaraw-araw na ninyo, mga besh! Make sure pa rin na ipapahinga ninyo ang inyong mga peslak. Okie?

Kaya para sa mga beshy natin diyan, kung hindi ninyo bet ang kumain ng mga pagkaing may yelo, mas mainam kung ilalagay na lang ninyo ito sa inyong mukha at balat para ma-refresh kayo.

Gusto n’yo ‘yun?

Hi-hi-hi!

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page