top of page
Search
Donna Thea Topacio

Kaya this time, sarili mo naman ang mahalin mo, bes! Benefits ng pagiging single, alamin!

ni Donna Thea Topacio @Life & Style





SINGLE na ready to mingle o single na taken for granted?


Naku, kahit ano ka pa riyan, besh, basta single ka, don’t worry dahil may benefits din ang pagiging mag-isa sa buhay.


Narito ang ilang benefits na magpa­patunay na oks din naman ang pagi­ging single.



1. YOU HAVE LEISURE TIME. Kapag single ka, magagawa mo ang kahit anong gusto mo ng walang iniisip na iba. Hindi tulad ng mga taken, kailangan pang mag-update sa kanilang mga dyowa, ‘yung iba pa may curfew. Iyak!

2. ENHANCES PSYCHOLOGICAL GROWTH. At dahil nga single ka, puwedeng-puwede kang makipag-usap sa iba, gayundin puwede ka sa kanilang makipagkita anytime and anywhere. Daig mo pa ang araw ng kalayaan sa sobrang laya mo.

3. BOOSTS PRODUCTIVITY AND CREATIVITY. Sa oras kasi na maging masaya ka na sa pagiging single, mas gaganahan ka na sa buhay at dahil dito, mas magiging creative at productive ka na dahil may goal ka ng nais maabot sa buhay.

4. INCREASES SOCIAL CONNECTIONS. Kapag single, mas nagiging sociable ka at nagka­karoon ka ng intimate connection sa kaibi­gan, pamilya at mga kapa­tid mo.

5. IMPROVES YOUR FITNESS. Ang sabi nila, kapag nasa relasyon lumulusog kasi tumataba, pero hindi ibig sabihin nu’n ay healthy ka na. Kaya kapag single ka, may time ka ng magpapayat kasi no more gala at dates na, besh!

Kaya always remember, oks lang din maging single dahil marami rin naman itong maitutulong sa atin emotionally, physically at financially, ‘di ba? He-he-he!





0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page