ni Angela Fernando @News | September 11, 2024
Sara Nagpahayag si Bise-Presidente Sara Duterte na handa nang magtrabaho ang kanyang opisina kahit walang budget matapos niyang hindi dumalo sa pagdinig ng House of Representatives (HOR) hinggil sa panukalang pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025.
Sa isang video na ini-upload nitong Miyerkules, sinabi ni Duterte na alam ng OVP ang mga usap-usapan tungkol sa "defunding" ng panukalang P2-bilyong budget nito para sa susunod na taon.
“Narinig din namin na mayroong defunding… na posibleng piso lang ang budget na ibigay sa OVP. [...] Maliit lang yung opisina namin, maliit lang yung operations namin kaya kayang-kaya namin magtrabaho kahit walang budget," saad ng Bise-Presidente.
Magugunitang inihihirit ng Makabayan bloc sa Kamara na alisin ang P1-bilyon mula sa panukalang budget ng OVP para sa 2025 dahil karamihan sa mga proyekto nito ay paulit-ulit lang, ayon kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro.
Comentarios