ni Lolet Abania | March 15, 2021
Niyanig ng 4.3-magnitude na lindol ang Zambales, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, ang pagyanig ay naramdaman sa layong 17 kilometers southwest ng bayan ng Iba sa Zambales bandang alas-7:20 ng gabi ngayong Lunes.
Ang lindol ay tectonic in origin at may lalim na 28 kilometers, batay sa ulat ng Phivolcs. Nakapagtala naman ng Intensity II sa Mabalacat City sa Pampanga at maging sa Quezon City. Nai-report din ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar: * Intensity II - Guagua, Pampanga * Intensity I - Quezon City; Marikina City; Calumpit, Bulacan; Dagupan City; San Jose, Nueva Ecija.
Ayon pa sa Phivolcs, wala namang naitalang napinsala matapos ang pagyanig, gayundin, walang aftershocks. Patuloy na pinapayuhan ang publiko na maging mapagmatyag at mag-ingat sa lahat ng oras.
תגובות