ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 14, 2020
Nagloko ang YouTube, Gmail at Google Drive ngayong Lunes nang gabi at hindi ma-access ng mga netizens sa buong mundo ang mga naturang sites. Mabilis na nag-trending sa social media ang hashtags #googledown at #YouTubeDOWN.
Pahayag naman ng YouTube, "We are aware that many of you are having issues accessing YouTube right now – our team is aware and looking into it. "We'll update you here as soon as we have more news."
Ayon sa outage monitoring website na DownDetector.com, karamihan sa mga naapektuhan ng pagloloko ng mga naturang sites ay ang mga users na mula sa Manila, Poland, Hungary, Belgium, London, Australia, United States, Britain at India.
Samantala, naibalik din naman ang serbisyo ng YouTube at Gmail matapos ang mahigit isang oras. Saad pa ng YouTube, “Update -- We’re back up and running! You should be able to access YouTube again and enjoy videos as normal.”
Comments