ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 28, 2022
BLIND ITEM:
Dapat na pangaralan at gisingin sa kanyang ilusyon ang isang young actress na kung umasta ay feeling big star na. Buong-akala niya ay kasingsikat na siya nina Kathryn Bernardo, Liza Soberano at Maine Mendoza na pinagkakaguluhan ng mga fans.
Imbiyerna sa kanya ang ilang grupo ng mga fans na gusto sanang magpa-picture sa kanya nang makita siya sa isang event. Nag-request kasi ang mga fans ng hand sign sa young actress pero ayaw niya dahil hindi niya gusto ang kandidatong gumagamit ng nasabing hand sign sa mga rally. Bigla na lang niyang iniwan ang mga fans na gustong magpa-picture sa kanya.
Well, hindi dapat ganito ang attitude ng sinumang artista, lalo na kung nagsisimula pa lang sumikat. Hindi sila dapat na namimili ng mga fans kahit sino ang bitbit nilang kandidato. Siya rin, baka bumalik sa kanya ang ginawa niya at ayawan na siya ng mga fans.
Marami pang kuwento ng kamalditahan ang young actress kaya nega ang image niya sa publiko at maging sa mga nakatrabaho niya.
Wala pa namang puwedeng ipagmalaki ang young actress. Hindi rin siya gaanong magaling kumanta at sumayaw. Kapag hindi siya nagbago ng ugali, tiyak na hindi niya mararating ang kasikatan nina Kathryn at Liza, kahit na punuin pa niya ng brilyante ang kanyang buong katawan.
Comments