ni Janiz Navida - @Showbiz Special | April 5, 2022
BLIND ITEM:
Nakakalungkot naman ang kuwentong nakarating sa amin mula sa isang reliable source na may pinagdaraanan ang isang aktres sa marriage niya sa kanyang non-showbiz husband.
Sa ilang taong pagsasama ng dalawa, napakatahimik ng married life ng aktres. Akala nga namin ay naka-jackpot siya sa kanyang mister dahil ang ganda ng trabaho nito at kayang-kaya siyang buhayin kahit 'di siya mag-showbiz.
Pero tsika ng aming source, minsang bumiyahe abroad ang mister ng aktres, nagkaroon ito ng secret affair sa isang co-worker at nakarating 'yun sa aktres kaya ru'n nag-umpisang magulo ang kanilang relasyon ng mister.
At habang inaayos ng mag-asawa ang kanilang relasyon, nakita naman ang aktres na nakikipag-date not just once but thrice na sa isang matangkad na aktor na pamilyado na rin.
Sa isang sikat na mall sa Ayala, Alabang nagtatagpo ang dalawa, kaya awang-awa ang source namin sa mister ng aktres dahil 'pag nalaman nito ang ginagawa ni girl, baka tuluyan na silang maghiwalay, eh, may anak pa naman sila.
Hay, sana lang ay maayos pa ang pagsasama ng mag-asawa.
Comentários