top of page
Search
BULGAR

Year of the Rooster, praktikal din sa pag-ibig kaya ‘di lumiligaya

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | June 08, 2021



Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Tandang o Rooster ngayong Year of the Metal Ox.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017 at 2029, ikaw ay naiimpluwensiyahan ng animal sign na Tandang o Rooster.


Dahil likas na matalino at palaisip, nagagawa ng Tandang na solusyunan ang anumang mahirap na mga problema nang mahusay at kakaiba. Kaya naman sa isang grupo ng magkakaibigan, hinahangaan ang Tandang sa mga solusyon at kakaibang pormula na naiisip niya sa paglutas ng mga mabibigat na problema.


Ang problema lamang sa Tandang, madali niyang napupuna ang maliliit na detalye, kaya kahit maliit lang ang problema, ito ay napapalaki niya. Bagama’t likas na optimistic ang mga Tandang, dahil sa pagiging “critical minded” at mahilig sa detalye, kumbaga, ‘yung maliit na dumi sa isang malaking tela na kulay puti ang napapansin niya sa halip na ‘yung malaking puti na kulay. Dahil dito, sinasabing madalas hindi mapakali ang Tandang dahil sa mga nakikita niyang pagkakamali at imperfection sa kanyang paligid, kaya naman dahil binigyan ng kakaibang taas ng pag-iisip at pag-aanalisa, bihirang mapahinga ang isip ng isang Tandang kung saan, madalas siyang nawawalan ng totoong peace of mind.


Ngunit kung ang katalinuhang ito ng Tandang at ang pagiging palaisip ay sasamahan niya ng emosyon at damdamin, kung saan sa tuwing iibig ay isasantabi muna niya ang isip, higit siyang magiging kampante at maligaya.


Bukod sa matalino at palaisip, kilala rin ang Tandang sa pagiging praktikal, kaya madali niyang nalulutas ang anumang problema nang magaan at kahanga-hanga. Ngunit tulad ng nasabi na, dahil sa sobrang pagiging praktikal, sa panahong ang Tandang ay umiibig, hindi sinasadyang magiging praktikal din siya sa pagtutuos, kaya sa pakikipagrelasyon, hindi siya gaanong nagiging tunay na maligaya dahil ipipilit niyang maging prakital pati sa ang larangan ng damdamin at pag-ibig.


Kung matututunan ng isang Tandang na dumama sa halip na mag-isip at hanapan ng kung anu-anong detalye ang pakikipagrelasyon, higit siyang mag-e-enjoy sa romansang dulot ng isang wagas at tunay na pag-ibig.


Itutuloy

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page