top of page
Search

Year of the Rooster, mapaghanap ng mali sa kapwa kaya laging napapaaway

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | August 25, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, pag-usapan natin ang pangunahing ugali at kapalaran ng Tandang o Rooster ngayong Year of the Metal Rat.

Kung ikaw ay isinilang noong 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005 at 2017, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Rooster o Tandang. Ito ang ika-10 sa 12 animal signs sa Chinese Astrology kung saan ito rin ang zodiac sign na Virgo sa Western Astrology, na may kaakibat na planetang Mercury.


Ang mapalad na oras sa Tandang ay mula alas-5:00 ng hapon hanggang sa alas-7:00 ng gabi, sa mapalad na direksiyong west o kanluran.


Higit na mapagkawang-gawa, matapang at mahusay ang Tandang na isinilang sa panahon ng tag-araw o tag-init kung ikukumpara sa kapatid niyang Tandang na isinilang sa panahon ng tag-ulan o tag-lamig.


Bukod sa pagiging perfectionist at praktikal, isa rin sa pangunahing ugali ng Tandang ang pagiging pala-utos at organisado. Bagama’t ganu’n ang kanyang gusto, hindi naman niya ito palaging naipatutupad sa kanyang sarili, na ang kadalasang nangyayari ay natatagalan bago niya maipatupad ang mga diskarteng dapat niyang gawin.


Bukod sa pa rito, mapaghanap din siya ng mga pagkakamali ng kanyang kapwa, kaya minsan ay nasusuong siya sa pakikipagtalo at debate.


Inisip kasi niya at ng iba na siya ay matalino at mapamaraan, na kadalasan ay nagiging tama naman ang kanyang mga pagpapasya at desisyon, na hinahanggan ng mga taong natutulungan niya.


Kung hindi magiging perfectionist ang Tandang at hindi pipiliting ‘wag magkamali ang halos lahat ng ginagawa niya, mas marami sanang magaganda at positibong proyekto siyang matatapos na ikauunlad at ikatatagumpay ng kanyang buhay.


Ibig sabihin, kung ikaw ay isang tipikal na Tandang, mas mainam kung imbes na perpekin mo ang iyong mga proyekto at ginagawa, dapat na hayaan mong may kaunting pagkakamali o kapintasan upang may matapos ka kaysa matagal na nakabinbin ang proyekto na dapat sana’y nakagawa ka ng mas marami pang mga gawain kung tinapos mo agad ito.


Mahalaga sa tandang na tapusin agad ang mga prokyeto o anumang inaambisyon at pinaplano niya sa buhay upang mas madali niyang makamit ang mas matagumpay at maligayang buhay.


At dahil likas na matalino at mahilig sa debate, kadalasan ay nakakasamaan niya ng loob ang kanyang kausap dahil sa kapipilit niya ng tama at sa sobrang pangangatwiran.


Sinasabing kung magagawa lamang ng Tandang na higit na pairalin ang damdamin o emosyon kaysa sa pagiging sobrang rational at makatriwan, higit siyang mananaig sa interpersonal relationship, mas madali niyang mapapahinuhod at makukumbinsi ang kanyang mga kausap. Gayundin, mas madali niyang maisusulong at maipatutupad ang kanyang mga lihim na agenda at plano sa buhay.

Itutuloy

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page