ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | June 23, 2020
Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign ngayong taon, tatalakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng mga isinilang sa Year of the Horse ngayong Year of the Metal Rat.
Ang Horse o Kabayo ay ang ika-pito sa 12 animal signs ng Chinese Astrology. Kung ikaw ay isinilang noong 1930,1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002 at 2014, ikaw ay mapabibilang sa mga indibidwal na pinaghaharian ng animal sign na Horse.
Sa pakikipagkaibigan at pakikipagrelasyon, isa ang Kabayo sa may pinakamarami at masasayang kabigan dahil siya ay masaya at masarap kasama sa lahat ng uri ng kasiyahan at gimmikan. Pero dahil may paka-moody o sumpungin, karamihan sa kanyang mga kaibigan ay nakakatampuhan, na nagiging dahilan upang mawalan siya ng mga tunay, matalik at tapat na kaibigan na nagtatagal ng mahabang panahon. Kaya kadalasan, mabibilang sa mga darili ang naiiwanang kaibigan ng Kabayo sa kanyang pagtanda.
Dagdag pa rito, dahil sa pagiging makasarili at mahilig sa pakikipagsapalaran, karaniwan nang hindi napipirmi ang Horse sa bahay, ganundin sa grupo ng mga kaibigan, kaya pangkaraniwan nang maraming mga kaibigan ang Horse, pero iba’t ibang sirkulo naman ang kinabibilangan. Gaundin sa pamilya, hindi siya tumatagal na nasa bahay lang dahil ang sikreto ay mas kumbinyente at masaya siya ‘pag gumi-gimmick at gumagala.
Gayundin, hindi mahalaga sa Kabayo ang seguridad sa kinabukasan. Para sa kanya, ang higit na mahalaga ay ang maging malaya at masaya. Hindi rin siya naniniwala sa kasabihang “Magiging masaya rin ang araw bukas,” dahil para sa Kabayo, dapat maging masaya ang kasalukuyan. Nabubuhay ang iba para mag-ipon at magpundar para sa kinabukasan, ngunit nabubuhay siya para sa kasalukuyan.
Kaya naman kapag nakarelasyon mo ang Horse, sa unang araw pa lang ng inyong pagde-date at paglalambingan, ibubuhos niya ang lahat upang ikaw ay kanyang mapaligaya dahil para sa kanya, ang kinabukasan ay hindi pa darating, kaya kasalukuyan ang higit na mahalaga.
Sa tampuhan at hindi pagkakaunawaan, iniisip ng Kabayo na mapapatawad mo agad siya sa kanyang mga pagkakamali, pagkukulang at kasalanan, kung gaano siya kabilis magpatawad at lumimot sa mga nagkasala sa kanya ay ganu’n ka rin. Akala niya, ganu’n ang lahat ng tao, pero hindi ‘yun ang reyalidad ng buhay. May mga tao na matagal magpatawad at makalimot sa kasalanan at nagiging dahilan ito ng matinding kalungkutan ng Kabayo sa pag-ibig at emosyon, dahil akala niya, kung ano ang kanyang ugali ay ganundin ang kanyang karelasyon, pero sa katotohanan ay hindi, kaya karamihan sa mga Kabayo ay hindi nakasusumpong ng masaya at panghabambuhay na karelasyon. Kahit kailan, malabong maunawaan ng Kabayo na iba’t iba ang ugali at sentimyento ng bawat nilalang. Gayunman, magiging maligaya lamang ang Horse sa pag-ibig at pakikipagrelasyon kapag natanggap niya na sa mundong ito, walang magkakapareho ng kulay at sa halip, sa isang kahon ng bagong biling krayola, iba’t iba ang kulay ng bawat isa.
The best na kapareha ng Horse ay ang Tiger na lalong magpapainit ng kanyang kaluluwa at pagkatao sa mga gawaing may kaugnayan sa paglalakwatsa at pamamasyal. Habang okey ding kapartner ng Horse ang Dog, na kokontrol at lilimita sa kanya upang hindi lubusang maging gastador at lakwatsera. Makadarama naman ng masarap na pag-aalaga ang Kabayo sa Tupa, na kukunsinte sa hindi maunawaan at pabagu-bagong ugali niya.
Magiging kasangga naman ng Kabayo ang Dragon na magbibigay sa kanya ng mga epektibo at makabuluhang advice upang hindi niya maituon sa kung saan-saang walang kabuluhang gawain ang kanyang enerhiya.
Bagay din sa Horse ang Monkey, Rabbit, Boar at Rooster, na hindi hahadlangan ang likas na kursunada niya na maglakwatsa nang maglakwatsa at maging adventurous at pagiging malaya.
Itutuloy
Comentários