top of page
Search
BULGAR

YASSI PRESSMAN NAGDONATE NG MGA PORTABLE WATER FILTER SYSTEM SA BOHOL KASAMA ANG AP PARTYLIST

by Bulgar Online - @Brand Zone | January 31, 2022



Si Yassi Pressman ay nagpunta sa bayan ng Talibon,isa sa mga matinding naapektuhan ng bagyong odette sa lalawigan ng Bohol, upang magbigay ng mga portable water filter systems kasama ang AP Partylist. Si Yassi ay sinamahan ni Rep. Ronnie Ong, ang first nominee ng AP Partylist at doon ay ipinakita nila kung gaano kadali gamitin ang portable water filter system.



“Malaki ang naging pinsala sa lalawigan ng Bohol dahil sa bagyong Odette, nung December ay nakapagdala na tayo ng libu-libong mga kahon ng distilled bottled water upang ipamahagi sa mga residente doon. Ngunit nakaita nating hindi iyon sapat kaya’t naghanap pa kami ng pang masmatagalang uri tulong. Itong mga portable water systems ay maaaring gamitin ng paulit-ulit at makakatulong sa tuwing may kakulangan sa supply ng tubig,” paliwanang ni AP Partylist nominee Rep. Ronnie Ong.


Ang mga donasyon na mga portable water filters ay nakakapag-filter ng maruming tulad ng ilog tubig at ginagawa itong malinis at ligtas na inumin. Ipinakita ng representante ng AP Partylist na ang itaas na bucket ay ipinupuno ng tubig na nalilinisan ng filter system, ang nalinis at filtered water naman ay bumababa sa pangalawang lalagyan at ready na itong inumin. Ang filter ay maaaring gamitin hanggang sa 7,000 liters bago ito kailangan palitan. Ayon naman sa punong bayan ng Talibon na si Mayor Janette Garcia, malaki ang pasasalamat nila kay Pressman at AP Partylist Rep. Ong sa kanilang pagbisita at ang donasyon ng portable water system ay makakatulong sa mga taga-Talibon dahil hindi kailangan ng kuryente para gumana ang mga water filter system.


Dagdag pa ni Yassi Pressman, “Gusto natin silang matulungan maging handa para sa mga bagyo dahil nakatira sila sa typhoon-prone area, at naniniwala kami na ang pagkakaroon ng portable water filter sa lahat ng mga barangay center ng Talibon ay makakatulong sa kanila sa panahon ng water shortage.” Ang aktres ay matagal nang kaibigan at suporter ng mga proyekto ni Rep. Ronnie Ong. Noong nakaraang taon, si Pressman ay nagbigay ng donasyon sa Philippine General Hospital kasama ni Ong nuong nagkaroon ng sunog sa isang bahagi nito.


Ang AP Partylist ay nakapagdala na ng libo-libong bote ng tubig, sako ng bigas, food packs at mga tinapay para sa mga Bol-anon ilang araw makalipas ang bagyong Odette noong Disyembre. Ang donasyon ng mga portable water system sa Talibon, Bohol ay bahagi ng serye ng mga aktibidad pang-bayanihan na pinangunahan ng AP Partylist sa kanilang patuloy na pagtugon sa pinsalang dulot ng bagyong Odette sa Visayas.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page