top of page
Search
BULGAR

YASSI PRESSMAN INENDORSO ANG AP PARTYLIST SA CAGAYAN GRAND RALLY

by Bulgar Online - @Brand Zone | March 31, 2022



Patuloy ang pag-iikot ni Yassi Pressman para sa kanyang bagong sinusuportahan na partylist. Pagkatapos ng Bohol, Cebu, Iligan at Surigao, nagpa norte naman si Yassi at bumisita sa Cagayan kung saan pinangunahan nya ang pag-iikot sa Tuguegarao City at mga bayan ng Amulung, Baggao, at Sta. Praxedes para sa AP Partylist #AkoyPilipino, isang partylist para sa sektor ng transportasyon at kabuhayan.



Nagsimula ang AP Team nung March 30, Miyerkules, sa pagbisita sa Tuguegarao City kung saan sila ay nakilahok sa isang community feeding program. Mula Tuguegarao, si Pressman at ang AP Partylist ay nagtungo naman sa Amulung, Cagayan sa pagpapatuloy ng kanilang pangangampanya. Pagkatapos sa Amulung, Cagayan, ay nagtungo ang AP Team sa Baggao at Sta. Praxedes. Libo-libong mga suporter at tagahanga ni Yassi Pressman at ng AP Partylist ang dumalo sa mga grand rally sa Cagayan. Ilang mga Yassi "super fans" ay maswerteng nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang aktres sa personal at makapag-uwi ng ilang personalized na souvenirs mula kay Yassi..




"Maraming salamat po sa suporta niyo kay Rep. Ronnie Ong at sa bago naming partylist, ang 164 AP Partylist. Matagal ko na pong kilala si Rep. Ronnie, at hindi naman po ako susuporta kung hindi ako naniniwala. Ngayong pandemya, kita ko po ang araw-araw na pagtatrabaho ni Rep. Ronnie. Ni hindi nga siya nag 'stay-at-home' dahil ginampanan po niya ang duty niya. We all need a leader like Rep. Ronnie through AP Partylist, #AkoyPilipino," sinabi ni Pressman sa isang mensahe nya sa mga dumalo sa grand rally.



“Dati pa po ay malapit na tayo sa Cagayan, dahil nagtayo tayo ng E-skwela Hub e-learning center projects natin dito, at madami rin tayong mga AP scholars dito. Bukod doon, naranasan natin noon ang hagupit ng Bagyong Ulysses pauwi galing sa pagbubukas ng isang e-learning center, kaya bumalik din tayo noon agad para maghatid ng tulong. Patuloy lang po tayong mag-bayanihan para sa kapwa nating mga kababayan, at sama-sama tayo,” mensahe naman ni AP Partylist first nominee, Rep. Ronnie Ong.



Si Ong ay binansagang “the frontliner Congressman” ng PeopleAsia dahil sa kanyang mga COVID19 Bayanihan program nung kasagsagan ng lockdown dahil sa pandemya. Ang mga programang tulad ng #LibrengGulay na nag suplay sa mga community kitchen sa Metro Manila ng mga gulay mula sa Benguet, #LibrengSakay para sa mga health worker ng mga ospital mula sa kanilang bahay, #LibrengTablets para sa public school teachers, at ang pagtatayo ng 36 E-skwela Hub e-learning centers nationwide para sa libreng wifi at paggamit ng PC para sa mga estudyante, ay ilan lamang sa mga naisagawa ni Rep. Ronnie Ong. Ang sikat sa Tiktok na Diff Fam, isang dance group mula sa Cebu, ay sumayaw rin kasama ni Yassi Pressman kasama ng mga Cagayan homegrown talents – umindak sila sa kanta ng AP Partylist na "Ako'y Pilipinong Lumalaban" para magbigay inspirasyon sa mga taga Cagayan. Sabay sabay nilang dineklarang, "Ikaw ay magtiwala, magtiwalang may magagawa, ito na ang panahon, ang tamang pagkakataon, sa bawat daing mo'y may tutugon. Ako'y Pilipinong lumalaban, tumatapang, kahit na nasusugatan. Itaas mo ang noo, isigaw mo sa buong mundo, ako'y Pilipino." Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga aktibidad ni Yassi Pressman kasama ang AP Partylist mag log-on sa https://appartylist.org/ at bumisita sa facebook page: https://www.facebook.com/appartylist.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page