ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 12, 2025
Photo: Yassi Pressman - IG
Marami ang halos hindi na makilala si Yassi Pressman nang lumabas ang larawan niya sa social media.
Wala na ang bakas ng dating ganda ni Yassi sa kanyang hitsura ngayon sa dami ng ipina-enhance niya sa kanyang face. Naging kamukha na raw siya ng rockstar at lead vocalist ng Aerosmith na si Steven Tyler, kaya marami ang labis na nanghihinayang kung bakit nag-undergo pa si Yassi Pressman sa cosmetic enhancement gayung maganda na siya.
Wala namang latest na update sa estado ng love life ngayon ni Yassi. Sila pa ba ng karelasyon niyang pulitiko sa Bicol region na si Luigi Villafuerte?
May balak pa ba siyang bumalik sa showbiz?
Sayang na sayang si Yassi Pressman na maganda na sana ang takbo ng career, pero mas naging prayoridad ang kanyang love life.
Inilantad na… GENEVA, NATIONAL ATHLETE ANG BAGONG DYOWA
FIVE years nang single si Geneva Cruz, at ngayon ay muling umibig sa isang atleta, ang national athlete na si Dean Roxas na miyembro ng jujitsu team.
Masaya ang Pasko at New Year ni Geneva last year dahil kapiling niya si Dean.
Sa edad na 48 ay dalawa ang naging anak ni Geneva, at akala niya ay forever na siyang magiging single. Hanggang sa na-meet niya nga si Dean Roxas na muling nagpatibok sa kanyang puso.
Binata na ngayon ang panganay niyang anak na si Heaven at nasa USA na ito at may trabaho na.
Teen-ager na rin ang anak niyang si London, kaya nahaharap na ni Geneva ang kanyang showbiz career.
Sa taong ito ay magse-celebrate si Geneva ng kanyang 30th anniversary sa showbiz. Isang special concert ang kanyang inihahanda, ang GENREVOLUTION.
Blooming si Geneva Cruz ngayon dahil masaya sa bago niyang BF na isang national athlete. Tanggap din ni Dean ang dalawang anak ni Geneva.
Wish ng mga fans ng singer-actress na muling magkasama-sama ang mga miyembro ng Smokey Mountain sa GENREVOLUTION concert.
Comments