top of page
Search
BULGAR

Yaphet Kotto ng "Live and Let Die", pumanaw na sa edad na 81

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 17, 2021




Pumanaw na ang aktor na si Yaphet Kotto, ang kauna-unahang Black American na kontrabida sa James Bond movie na “Live and Let Die” sa edad na 81.


Pahayag ng kanyang asawang si Sinahon Thessa sa Facebook noong Lunes, "You played a villain on some of your movies but for me you're a real hero and to a lot of people also.”


Samantala, hindi binanggit ng mga kaanak ni Kotto kung ano ang sanhi ng ikinamatay niya. Si Kotto ay nakilala sa kanyang pagganap bilang “first Black Bond villain” na si Dictator Dr. Kananga sa "Live and Let Die" noong 1973.


Na-nominate rin si Kotto para sa Emmy Awards dahil sa pagganap niya bilang Ugandan dictator na si Idi Amin sa 1997 television movie na “Raid on Entebbe.”


Napabilang din si Kotto sa 1987 Arnold Schwarzenegger action film na “The Running Man” at sa NBC series na “Homicide: Life on the Street” simula noong 1993 hanggang 1999.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page