top of page
Search
BULGAR

Yapak ng padir na si Dennis Roldan, gagayahin… MARCO, KALAT NANG TATAKBONG CONG. SA CAMSUR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 4, 2024



Showbiz News

Mukhang totoo ang tsika na tatakbo si Marco Gumabao sa Camarines Sur sa darating na eleksiyon. May post siya sa Instagram (IG) na nasa CamSur siya at namimigay ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong ‘Enteng’. 


“Grabe ang pag-ulan at pag-baha na dala ng Bagyong ‘Enteng’ dito sa aming probinsya, Camarines Sur. Agad-agad naman po tayo umikot at nagdala ng ayuda para sa mga naapektuhan sa Brgy. Tarusanan at Brgy. San Francisco, Camaligan,” simula ng caption ni Marco.


“Sa pangunguna ni Gov @vincenzo.luigi, Cong. @lrayvillafuerte, Cong. @migzvillafuerte, Mayor Diano Ibardaloza at Cong @nonoy_magtuto, agad-agad naman ang aksyon para makapag-dala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo,” patuloy niya.


Umani naman ng positibong reaksiyon ang post ni Marco at ngayon pa lang ay tinatawag na siyang congressman ng ilang mga netizens. 


Sey ng mga ito: “@gumabaomarco really has a big heart! I know he can serve well. Rooting for you always. Supporting you in all your endeavors (blue heart emoji) PS: Miss ka na mameet ng #1 fan mo (blink emoji),” komento ng isang netizen.


“Happy birthday, Cong. @gumabaomarco God bless you and your family,” sey naman ng isa pa.


Kamakailan ay napabalitang tatakbong congressman si Marco Gumabao sa 4th District ng CamSur, pero hindi pa niya ito kinukumpirma. 

Matatandaang ang ama niyang si Dennis Roldan ay isa ring dating pulitiko at naging congressman ng 3rd District ng Quezon City.


 

NANGANGAKO ang aktres na si Ella Cruz na ipakukulong niya ang isang digital creator na aniya ay lagi siyang binibira at ginagawan ng maling balita sa socmed (social media).

Sa kanyang Facebook (FB) account, ini-reshare ng dating child actress ang isang post ng Ppop Latest Chika Updatez na nilalait siya. 


Nakasaad sa post ng nasabing digital creator, “Ella Cruz umalma at nagbigay ng wala niyang ‘kakwenta-kwentang’ suhestiyon sa pagkansela ng lahat ng antas ng pasok dulot ng malakas na pag-ulan at hangin dala ng bagyong ‘Enteng’.” 


Saad daw kasi ng starlet sa kanyang now-deleted X (dating Twitter) post, “‘I don't get it? Dahil lang sa bagyo suspended na? ‘Di dapat hadlang ang malalakas na ulan at hangin sa pag-abot mo sa pangarap mo, real talk lang paano ka aangat kung ganyan mindset mo.’”

Sinagot ito ni Ella na halatang imbiyerna sa nabasa. 


“Hoy Ppop Latest Chika Updatez, unang beses na ipinost n’yo ako pinalampas ko pero ‘tong pangalawa, ‘di ko pababayaan. Sa siyam na admin at lalo sa’yo Mina Okada na hindi kaya maglabas ng tunay na pangalan, na paborito akong topic dahil siguro mataas reach n’yo kapag ako ang post n’yo,” anang aktres.


“Gets ko naman na trabaho n’yo ‘yan at paninira at pagkakalat ng maling impormasyon ang nagpapalamon sa inyo kaya sige, ibibigay ko na ‘yung pansin na hinahanap n’yo,” patuloy niya.


Ikinadismaya rin ng aktres na maraming naniniwala agad sa mga nababasa nila kahit hindi totoo. 


“May disclaimer na satire, oo. Pero nakakalungkot na sadyang andaming naniniwala agad sa mga UNANG NABABASA lamang nila. Lahat na lang paniniwalaan agad, lahat na lang may nasasabi agad. Nakakalungkot na ganu’n na tayo kabilis maniwala sa kung ano lamang una natin nakikita.


“Hindi ako ang niloko n’yo, mga sumusunod at naniniwala sa inyo ang naloloko n’yo. Nangtatanga kayo ng mga gusto lamang mag-Facebook (FB) ng maayos,” sey niya.


“I don’t get it, I don’t get it ka pa d’yang nalalaman. Kapag nakuha ko totoong pangalan mo, bukas kanta ka ng 'Please, please, please' talaga,” saad pa ng dalaga.

Ipinakita rin niya ang listahan ng mga pangalan ng administrator ng FB page na nag-post ng hindi magandang balita sa kanya. 


“Narito po ang listahan ng mga admins ng page na Ppop Latest Chika Updatez sa ngayon, mga codes pa lang ‘yan, pero pasasaan ba’t ipakikilala natin sila sa inyo,” aniya.

“Pangako. Ipakukulong ko kayo,” banta ng aktres na si Ella Cruz.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page