ni Mercy Lejarde - @Talkies | April 29, 2023
Ibang level talaga ang summer heat ngayong 2023, sa true lang. Pero mas mainit at super-lagkit ang mga ibinabatong pagtitig ni Xian Lim kay Ryza Cenon na tipong "love radiates in his eyes" sa tuwing sumusulyap kay Ryza, ha!
Ooops! Don't get us wrong, Kim Chiu and mga KimXi fanatics, ah? Ang ibig ko lang sabihin dito ay ang mga eksena nina Xian at Ryza sa pelikula nilang Sa Muli na produced ng Viva Films na ngayon nga ay showing na in theaters nationwide.
Ang tema ng istorya ng pelikulang ito ay tila "love reincarnation" sa tatlong magkakaibang henerasyon magmula noong 1900 hanggang 1950, pati na rin sa kasalukuyang taon.
Ginampanan ni Xian ang papel ni Pep, samantalang si Ryza naman ay ginampanan ang papel ni Elly. Pero, since tatlong magkakaibang henerasyon nga ang timeline ng pelikula ay tatlong karakter din ang ginampanan nina Xian at Ryza.
Noong 1900s, ginampanan ni Ryza ang papel na Aurora, habang noong 1950s naman ay ginampanan niya ang karakter ni Belen at sa taong kasalukuyan, siya si Elly.
Malay natin kung posible pala itong mangyari sa tunay na buhay at baka nga totoo rin 'yung puwede kang bumalik sa nakaraan.
Ano'ng sey ninyo rito, mga Marites, Mosang at Marisol?
Parang ang galing naman kung nagkatagpo na pala kayo ng iyong soul mate noong past at ngayong present time. Bongga, 'di ba?!
"Yes, it's about reincarnation. Three years in the making ang movie na ito. We started shooting the film in 2020, then biglang nagka-lockdown, so we had to stop. Tapos, I got pregnant and nanganak ako. We were able to resume the shoot only last year and finally, ito na nga, natapos din at ipapalabas na," sey ni Ryza sa interview ng ilang members of the press people.
'Yun naman pala, eh. May anak na si Ryza kaya walang dapat ipagselos sa kanya ang real-life dyowa ni Xian na si Kim.
Pero, kung ang pelikulang Sa Muli ang pag-uusapan natin ay mukhang may dapat nga siyang ipagselos. Hehehe! Joke lang!
Ito nga ang unang pagkakataon na nagkasama sina Xian at Ryza sa isang pelikula. Kumusta naman kayang katrabaho si Ryza?
Ayon kay Xian, napa-research siya nang very slight tungkol sa aktres. First time kasi nilang magkakatrabaho sa isang project, kaya nag-effort daw siyang maghanap ng kaunting impormasyon kay Ryza para naman may pambungad siyang topic na puwede nilang pag-usapan kapag nag-meet na sila.
"Tiningnan ko muna 'yung Instagram niya siyempre, tapos 'yung YouTube niya. Nakita ko 'yung mga eksena niya sa mga palabas na ginawa niya sa GMA. 'Yun ang mga una kong parang ginawang "breaking the ice" sa amin.
"Pero nang magkausap na kami ni Ryza, nalaman kong matipid pala itong sumagot. 'Uy, Ryza. Napanood ko 'yung ganito. Kumusta?' Sabi naman niya, 'Okay lang.' Tapos, doon na natapos. Hahaha! Pero it helps. It really helps," sey pa ni Xian.
Napa-sorry naman si Ryza sa naging first impression sa kanya ni Xian.
"Sorry kasi introvert po ako. So, may sarili po talaga akong mundo, lalo na 'pag nasa work po ako. As in, naka-focus lang po ako sa work. Kaya 'yun ang palaging comment sa akin ng lahat ng nakakatrabaho ko po, na kapag tinanong, 'Kumusta working with Ryza?' 'Ano po siya, nandu'n lang sa dulo, tahimik lang,'" katwiran naman ni Ryza.
Eh, kumusta naman si Xian bilang leading man?
"As a co-actor, he is very supportive. When I was shooting a very important dramatic scene, nahihirapan ako kasi wala akong kaeksena. Eh, si Xian, nag-pack-up na. So, ipinatawag ko siya, pinabalik ko para mas maramdaman ko 'yung mabigat na eksena. At pinagbigyan naman niya ako, he returned at dahil doon, naitawid ko 'yung scene. Napakagaan niyang katrabaho. We're like old friends on the set. Ang feeling ko, baka in a previous life, naging magkaibigan talaga kami," say ni Ryza.
Weeehhh, 'di nga? Baka in previous life ay naging sila talaga, ano'ng sey mo, Kim? Char lang.
Please don't get jealous lang, ha! Trabaho lang, walang personalan. Hahaha!
Oh, siya, panoorin na ninyo ang pelikulang Sa Muli nina Xian at Ryza, showing na 'yan in theaters nationwide.
Dali na, baka ang mga love stories ninyo pala ay reincarnated from your past lives up to the present.
Who knows? Malay n'yo, puwede palang mangyari ang bagay na ito sa atin.
Boom ganern! 'Yun na nga!
Comments