top of page

Xian Gaza: Pera ni Bea, nauubos na ni Dominic

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 8, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 8, 2024




Maraming rason ngayon ang kumakalat online patungkol sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque, ngunit ang inispluk ng 'Pambansang Marites' na si Xian Gaza kamakailan ang pinakabinili ng masa.


Tiwala talaga ang madla sa mga inihahain nitong tsismis dahil kahit kailan ay hindi pa ito pumapalya sa pagbibigay ng pinaka-accurate na kuwento.


Sa isang Facebook live kasi ni Xian kamakailan, sinabi nitong may mga celebrity sources siya na nagbigay sa kanya ng mga impormasyon sa naganap na hiwalayan.


Sey nga niya, nauubos na nitong guy ang pera ni Bea.


Tsika ni Xian, "Sabi nila 'pag true love, gagastusan mo talaga. Pero grabe na raw! Lahat na lang daw, si babae. 'Yan ang sabi ng mga artista, 'di natin alam, sila lang dalawa ang nakakaalam."


Ang pinakamainit pa d'yan, ayaw daw pumirma nitong si Dominic ng prenup nu'ng dapat ay magpipirmahan na.


Matapos nga itong itsismis ni Xian, pinaalalahanan pa rin niya ang publiko na tanging sina Bea at Dom lang ang makakapagbigay ng sagot sa mga kumakalat na espekulasyon.

댓글


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page