ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | December 19, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/1ae136_8b35d74be02a4b4897de212fdeac15ef~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_587,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/1ae136_8b35d74be02a4b4897de212fdeac15ef~mv2.jpg)
Hindi raw natipuhan ng Social Media Personality na si Christian Albert Gaza o Xian ang pinagawang ilong ng aktres na si Alex Gonzaga.
Sey niya sa kanyang Facebook post, “Magandang umaga po sa lahat except sa bagong ilong ni Alex Gonzaga."
Hindi pa nagpapigil si Xian at bumanat pa sa mga nagsasabing toxic siya, sa comment section ng kanyang post.
“So paano? Bola-bolahin natin siya na maganda yung pinagawa niya to boost her confidence? Nilalagay sa lugar yun huy,” saad ni Xian.
Pinaabot din niya ng kanyang komento ang isang nag-comment sa kanyang status at pabirong sinabi na hindi raw niya kayang magparetoke dahil nagbabasa raw siya ng Bibliya.
Matatandaan na kamakailan lang ibinalita ni Alex ang kanyang nose job sa isang post sa Instagram.
Comments