top of page
Search
BULGAR

Wowowin host, ‘di pa nag-a-announce na magse-senador, inunahan na… KRIS,

IPINAGSIGAWANG IBOBOTO SI WILLIE.


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 09, 2021



Ipinagsigawan ni Kris Aquino on national television na iboboto at susuportahan niya si Willie Revillame sakaling matuloy ang pagpasok nito sa pulitika sa 2022 elections.


Sa pagbabalik-telebisyon ni Kris kahapon bilang guest co-host sa Shopee 8.8 ay abut-abot ang pasasalamat ng Queen of All Media kay Willie dahil ito raw talaga ang nagpursige na makabalik siya sa TV.


“Si Willie talaga was really trying to find a way to get me to co-host with him. Way before Shopee came into our lives, way before anything else happened, he really wanted to give me a chance to get a comeback,” kuwento ni Kris.


Kaya kung saan man daw mapunta si Willie ay maaasahan nito ang kanyang suporta na siyempre, ang tinutumbok ay ang pagpasok ng kaibigan sa pulitika bilang senador.


“Kung anuman ang magiging landas na tatahakin ni Willie, kung saanman siya papunta, he can count on me to be there for him kung saanman ‘yun. He has my love, my support, hindi ko alam kung puwedeng sabihin na boto, pero sa kanya ako,” deklara ni Kris.


Sandaling napatigil si Kris sa pagsasalita dahil tila binawalan na siya ni Willie.


“Bakit? Shut up na ‘ko? Sige, alis na ako, baka mapauwi ako,” sey ni Tetay.


At this point ay umakyat na si Willie sa stage at lumapit kay Kris na tila gusto niya itong patahimikin.


“What?” sabi ni Kris.


“Ikaw na nga ang bahala sa gusto mong sabihin, bahala ka na, naguguluhan ako! Kris, Shopee ‘to! Hindi ‘to love story, okay?” sey ni Willie.


Sagot naman ni Kris, “Ano’ng love story? Wala naman akong love story na sinasabi. Sinabi ko lang nagpapasalamat lang ako sa ‘yo.”


“Hi, Josh! Hi, Bimby!” sey pa ni Willie at ipinakilala na sina Ariela Arida at Andrea Torres para maputol na ang sinasabi ni Kris.


Well, we’d say, hindi pa rin talaga nagbabago ang kataklesahan ni Kris at ang pagiging madaldal and funny niya.


Samantala, wala pang official announcement si Willie kung tatakbo siyang senador pero sa malas ay mukhang tuloy na tuloy na ito.

0 comments

ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page