top of page
Search
BULGAR

Worried sa kanyang career… Bebot, dapat baguhin ang sulat para suwertehin sa buhay

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | November 8, 2023


KATANUNGAN

  1. Matagal n’yo na akong tagasubaybay lalo na pagdating sa Palmistry at Numerology. Marunong na rin ako kahit papaano bumasa ng palad.

  2. Ang problema ko ngayon ay ang tungkol sa aking Fate Line, ang pinagtataka ko kasi ay maganda naman ang Fate Line o Career Line ko pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong regular at magandang trabaho? Samantalang ang sabi n’yo, ‘pag may magandang Fate Line na walang bilog at hindi na latid ay magiging maganda rin ang kapalaran sa aspetong pang-career at hanapbuhay.

  3. Kaya, naisipan ko na ring sumangguni sa inyo upang malaman ko kung kailan kaya ako magkakaroon ng regular at magandang trabaho na angkop sa natapos kong kursong Accountancy? Maestro, gusto ko rin maanalisa n’yo ang aking kakaibang sulat kamay.

KASAGUTAN

  1. Tama ka, Kayrie, kapansin-pansin na may malinaw at maganda ka ngang Fate Line or Career o Fate Line sa kaliwa at kanan mong palad (Drawing A. at B. F-F arrow a. at b.), ngunit ang hindi mo napansin, nagsimula ang nasabing Career Line o Fate Line (arrow a.) sa medyo gitnang bahagi na ng iyong palad (arrow a.) at saka pa lamang tuluyang luminaw nang husto at nakarating sa kanyang destinasyon (arrow b.) sa Mount of Saturn (arrow b.). Ibig sabihin, bago ka makahanap ng regular at magandang trabaho, kailangan mo munang tumuntong sa “medyo gitnang bahagi ng iyong edad” at ito ay humigit kumulang sa edad mong 25 hanggang 30 pataas.

  2. Kaya nga, kung 23-anyos ka palang ngayon, maaaring sa susunod na taon o mga dalawang tao pa mula ngayon, walang duda, makakatagpo ka na ng isang permanente at panghabambuhay na trabaho. Tulad ng nasabi na, dahil 23-anyos ka palang, 2 years ka pang magtitiis sa pabagu-bago at hindi permanenteng trabaho na may kaugnayan din sa natapos mong kurso.

  3. Samantala, ang pagkakahilig sa kaliwang direksyon ng sulat kamay ay tanda o tendency ng withdrawal symptom o sabihin na nating medyo galit ka sa mundong iyong ginagalawan. Ito rin ay senyales na makasarili ka, walang pakialam sa mundo at may pagka-neurotic.

  4. Ang neurotic ay hindi naman sakit sa pag-iisip tulad ng psychosis. Sa halip, ang taong may neurotic ay matino ang takbo ng isip at nakaka-adopt sa kapaligiran. ‘Yun nga lang ang mga neurotic ay laging nag-iisip ng negatibo at kung minsan, sila ay may “one-track mind” na tinatawag kung ano’ng obsession na kanyang inisip, ‘yun lang ang laman ng kaniyang konsentrasyon at isipan.

  5. Kaya mas magandang baguhin mo ang iyong sulat kamay. Samakatuwid, kung gusto mong magtagumpay sa materyal na bagay at lumigaya sa pamumuhay, nakatayong sulat kamay na bahagyang humahapay sa direksyong pakanan ang iyong gawin upang simula ngayon hindi ka lang magkaroon ng matatag at magandang trabaho kundi para tuluy-tuloy ka na ring lumigaya at magtagumpay.

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos, Kayrie, tiyak na ang magaganap, mula ngayon, makalipas ang isa o dalawang taon, sa edad mong 25 pataas, humigit kumulang sa buwan ng Abril hanggang Mayo, kusa mo nang matatagpuan ang isang regular, permanente at magandang trabaho na angkop sa course mong Accountancy sa isang kumpanya na may kulay berde at dilaw na logo.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page