ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | April 25, 2021
Dear Doc. Shane,
Nakapagtataka kung bakit kahit wala naman akong sipon o ubo ay panay ang aking “ehem”? Nakaiirita lang at nakakahiya lalo na kung tahimik sa kuwarto at bigla marinig nila na nag-e-“ehem” ako. Ang iba ay napalilingon agad at nagtatakip ng kanilang bibig na para bang mahahawaan sila. Ano ba ang sanhi nito, is this an allergy? – Albert
Sagot
Marami ang maaaring nagtataka kung bakit kahit wala namang sipon ay parang may “ehem” sa ating lalamunan. Madalas, kung kailan tayo magsasalita ay saka pa tayo parang nahihirinan sa parang sipon na nakabara sa lalamunan. Kakailanganin pang i-clear ang lalamunan sa pamamagitan ng pag-“ehem”-“ehem”.
Ito ay sapagkat sadya namang nagpupundar ng mucus ang ating katawan. Sinasabing maaaring may isang litro ng mucus ang ipinupundar ng ilong at sinuses (air spaces sa mukha) sa araw-araw. Ang mucus ay napupunta sa lalamunan nang hindi namamalayan sapagkat maninipis ito.
Ang mucus sa lalamunan ay para proteksiyunan ang ating baga sa pamamagitan ng pagpapainit sa hangin na ating nilalanghap. Hinuhuli rin nito ang mga alikabok at iba pang bagay na ating nalalanghap. At dahil wala tayong malay sa nagaganap na prosesong ito, nalulunok lang natin ang mucus, kasama ang iba pang bagay na humalo rito. Ngunit, kahit malunok pa ito ay wala namang kaso. Wala itong idudulot na sakit.
Comments