ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | March 27, 2021
Dear Doc. Shane,
Nangangati ang aking ari kahit wala naman akong vaginal discharge. Ano kaya ang dahilan nito? – Bonie
Sagot
Marapat lang na ugaliin ang tamang paglilinis ng ari ng babae dahil ito ay likas na sensitibo.
Narito ang ang ilang sanhi kung bakit nangangati ang ari:
Epekto ng waxing o pag-ahit. Sensitibo ang paligid ng ari kaya kung madalas mag-wax o mag-ahit, posibleng magkaroon ng irritation ang balat at magkaroon ng pangangati sa puwerta.
UTI. Kadalasang nakukuha ang UTI kapag na-infect ng bakterya ang urinary tract, kabilang ang urethra, kidneys, ureter at bladder.
Hormonal changes at perimenopause. Kapag dumarating ang menstrual cycle, binabago ng hormones ang katawan. Isang epekto nito ay ang pagkakaroon ng dry skin sa ari.
Pubic lice. Tulad ng kuto sa ulo, nagdudulot din ng matinding kati ang pubic lice. Nanggagaling ang pangangati kapag kinakagat ng mga kuto ang iyong balat at dahil sa mga itlog na inilalagay nito sa balat.
STD. Hindi lahat ng STD ay mayroong sintomas na pangangati. Ngunit mayroong mga STD, tulad ng genital warts, na nagiging sanhi ng pangangati.
Yeast infection. Ito ay nagmumula sa uri ng fungus na Candida. Ito ang pinakamadalas na dahilan ng makating puwerta.
Lunas:
Mabuting umiwas sa mga produktong may dagdag na pabango o fragrance upang makaiwas sa contact dermatitis. Nakakatulong din ang pagligo sa epsom salts o paggamit ng cream na mayroong OTC hydrocortisone upang mawala ang pangangati.
Ang eczema ay dahil sa allergy o problema sa autoimmune system. Ang sintomas ng eczema at psoriasis ay pamumula ng balat at pagkakaroon ng matinding pangangati. Matagal ang gamutan sa mga ganitong sakit at paminsan ay kailangan ng habambuhay na pag-inom ng gamot. Ngunit marami namang produkto na makatutulong sa mga may eczema at psoriasis, at kailangan lang magpakonsulta sa doktor upang malaman ang angkop na paraan ng treatment.
Kapag may pH imbalance ang vagina at masyadong maraming bakterya ay dito nagkakaroon ng bacterial vaginosis. Pero madalas ay hindi pangangati ang pangunahing sintomas ng bacterial vaginosis. Madalas ay magkakaroon ng discharge, mabahong amoy at hindi komportableng pakiramdam sa ari.
Nakatutulong ang pag-inom ng antibiotics at paggamit ng mga over-the-counter na gamot upang maibsan ang sintomas ng bacterial vaginosis.
Gayunman, makabubuti na magpakonulta pa rin sa OB bago gumamit ng vaginal suppositories o simulan ang mga home remedy.
Comments