top of page
Search

World no. 1 golfer Johnson nagpositibo sa COVID-19

BULGAR

ni Gerard Peter - @Sports | October 16, 2020




Napasama na rin sa mga sunod-sunod na nagpopositibo sa mapinsalang novel coronavirus disease (Covvid-19) sa mundo ng pampalakasan si World No.1 golfer Dustin Johnson ng America bilang panibagong biktima nito.

Napilitan ang 36-anyos na numero-uno sa World Golf Rankings na umatras sa PGA Tour event na CJ Cup sa Shadow Creek sa Las Vegas ngayong linggo kasunod ng lumabas na pagsusuri, habang papalitan na lamang ito ni J.T. Paston bilang alternate para sa kumpetisyon na nilahukan ng 78 na golfers.

Obviously, I am very disappointed,” saad ng Palm Beach Gardens-resident sa Florida na may hawak ng 23 PGA Tour victories sa kanyang 13-year professional career sa isang website. “I was really looking forward to competing this week but will do everything I can to return as quickly as possible.”

Ayon sa pamunuan ng PGA Tour, nakaranas nang ilang sintomas na may kinalaman sa Covid-19 ang Columbia, South Carolina-native nitong Linggo ng gabi, habang nagtuloy-tuloy ang nararamdaman hanggang Martes, na naging daan upang magpakuha na ito ng test para sa coronavirus na kinalauna’y lumabas na positibo.

I have already had a few calls with the tour's medical team and appreciate all the support and guidance they have given me,” dagdag ni Johnson, na dalawang beses naging PGA Tour Player of the Year noong 2016 at ngayong 2020.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page