ni MC @Sports | December 24, 2022
Kasabay ng selebrasyon ni Lionel Messi sa tagumpay sa World Cup ang pagpayag na manatili sa Paris Saint-Germain, sa ulat ng local media kahapon matapos na biguin ang French sa mailap na Champions League title.
Ang 35-year-old na namuno sa Argentina para sa panalo sa World Cup final laban sa France sa Qatar noong nakaraang weekend ay lalagda sa one-season extension sa kanyang kasalukuyang deal sa French capital na mage-expire sa summer.
Iniulat ng Le Parisian at RMC Sport na kakausapin ni Messi si PSG president Nasser Al-Khelaifi at iba pang top club officials sa pagbabalik matapos ang World Cup break.
Lumahok si Messi sa PSG noong 2021 sa two-season deal mula sa isang taon na pagtatapos ng kanyang kabuuang professional career sa Barcelona.
Ang seven-time Ballon d'Or winner ay kumulekta ng apat na Champions League titles noong 2006, 2009, 2011 at 2015 sa Spain maging ng 10 La Liga crowns.
Noong Linggo, bumanat siya para sa Argentina ng penalty shootout win kontra France sa World Cup final matapos na ang epic match ay tumapos ng 3-3 sa extra-time.
Si Messi ang player of the tournament ay umiskor ng dalawang ulit sa game kasama si PSG teammate Kylian Mbappe para gumawa ng hat-trick para sa France.
Comments