top of page
Search
BULGAR

Wong at Tabugara, silver sa World Combat Games

ni VA @Sports | October 24, 2023




Nagsipagwagi ng silver medals para sa Team Philippines ang mga wushu artists na sina Agatha Wong at Clemente Tabugara Jr. noong Linggo sa 2023 World Combat Games sa King Saud University Arena sa Riyadh, Saudi Arabia.


Nakatipon ang 5-time Southeast Asian Games gold medalist na si Wong ng kabuuang 19.486 puntos at masungkit ang silver medal sa women's taolu taijiquan (9.743) and taijijian (9.7466) final. Sumegunda siya kay Hu Shuting ng China na nagtala ng 19.533 puntos mula sa dalawang events.Tumapos namang pangatlo sa kanila ang South Korean bet na si Choi Yujeong na may 19.470 puntos.


Nakabawi si Wong mula sa kabiguang magwagi ng medalya pagkaraang tumapos lang na pampito noong nakaraang 19th Asian Games sa Hangzhou, China. Nanalo naman ng silver si Tabugara nang matalo ito sa Egyptian na si Elsayed Mohsen sa men's 65 kilogram finals.


Bronze naman ulit ang nakamit ni Asian Games bronze medalist Jones Llabres Inso sa men's Taolu Taijiquan and Taijijian makaraang magtala ng pinagsanib na iskor na 19.339. Isa pang bronze ang kinopo naman sa men's Taol Nanquan and Nangun ni Thornton Sayan matapos magtala ng 19.410.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page