top of page
Search
BULGAR

Women's volleyball na ang tanyag na sports

ni VA @Sports | July 2, 2024



Sports News

Nangunguna na bilang pinakatanyag na sports sa buong bansa ang women’s volleyball. Ang  pag-angat sa popularidad ng nasabing sport ay pinangunahan ng Premier Volleyball League (PVL) at ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).


Ayon kay PVL president Ricky Palou, hindi nila akalain na aangat ng husto ang popularidad ng sport. “We always knew volleyball had a special place in the hearts of Filipinos, but what’s happening now is beyond our wildest dreams,” ani Palou. “Our games are drawing record crowds and viewership numbers we could only fantasize about a few years ago.”


At kung pag-uusapan ang pag-angat na ito ng women's volleyball, tiyak na mababanggit ang mga makasaysayang mga laro na tinangkilik at sinuportahan ng libu-libong fans.


Tampok na ang record breaking attendance na naitala noong PVL All-Filipino Conference finals, kung saan dinagsa ang Smart Araneta Coliseum ng 24,459 mga fans para sa title-clinching Game 2 win ng Creamline kontra Choco Mucho noong Dis. 16.


Nalampasan ng nasabing bilang ang dating Philippine volleyball attendance record na naitala sa UAAP finals sa pagitan ng Ateneo at La Salle noong 2016 na 22,848 katao sa parehas ding venue.


Maging ang mga manlalaro ay ramdam ang malaking pagbabago sa estado ng sport. “The love and support we get from the fans are overwhelming. We’ve worked so hard to grow the sport, and to see it flourish like this is a dream come true,” pahayag ni Alyssa Valdez na siyang kinokonsiderang "Face of Philippine Volleyball."


Kabaligtaran naman ang kapalaran ng basketball partikular ang Philippine Basketball Association (PBA) na dating hari ng Filipino sports dahil bumaba ang kanilang gate  attendance maging ang kanilang viewership. 


Base sa obserbasyon ng mga eksperto, nabigo ang kauna-unahang play-for-pay league sa Asia na makasabay sa pagbabago ng panlasa ng mga fans habang mas napalapit ng husto ang volleyball sa mga tao lalo na sa mga kabataang nahirati na sa teknolohiya partikular sa social media at iba't-ibang mga digital platforms.


Nakatulong din ng malaki ang pagdami ng sponsorship at media deals ng major brands na gustong mapasok ang Sport. Sinasalamin ngayon ng volleyball ang paglakas at pag-angat ng mga kababaihan sa palakasan.



0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page