top of page
Search

Willie Revillame, nagdadalawang-isip pa kay VP Sara

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Feb. 24, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

KUNG ANG IBANG SENADOR NAGSABING TUTOL SILANG MA-IMPEACH SI VP SARA, SI WILLIE REVILLAME KAPAG NANALO PAG-IISIPAN PA RAW NIYA KUNG ‘YES’ OR ‘NO’ SIYA SA IMPEACHMENT -- Tinanong ng mga mamamahayag si TV host-comedian Willie Revillame na kung sakaling palarin siyang manalo sa pagka-senador at aakto siya bilang isa sa mga mahistrado ng impeachment court, ano raw ang stand niya patungkol sa impeachment kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, at ang tugon niya rito ay pag-aaralan daw niya ang mga ebidensya at kung ano ang nararapat na naaayon sa batas, ‘yun daw ang kanyang susundin.


Tila yata tablado kay Revillame si VP Sara kasi kung ang ibang senador ay nagbigay na ng statement na tutol silang ma-impeach si VP Sara, eh siya (Revillame), pag-iisipan at pag-aaralan pa raw niya ang magiging desisyon sa magiging kapalaran ng bise presidente, kung “yes” or “no” siya sa impeachment court, period!


XXX


IMBES GAMPANAN NI ATTY. TRIXIE ANGELES PAGIGING ABOGADO, NAG-VLOGGER KAYA NAMUMURONG MA-DISBAR -- Inanunsyo ng mga kongresista na miyembro ng Tri-Com na posibleng maghain daw sila ng disbarment case laban kay former Presidential spokesman, Atty. Trixie Cruz-Angeles dahil sa pagpapalaganap umano nito ng fake news sa social media.


Imbes naman kasi gampanan na lang ni Atty. Angeles ang pagiging abogado, eh pinapelan pa ang pagiging vlogger kaya may mga nagpaplano na siya ay sampahan ng disbarment case, at kapag napatunayang guilty, tanggal na siya sa pagiging abogado, at malamang makasuhan at makulong pa sa cybercrime dahil sa paggawa ng mga fake news sa socmed, tsk!


XXX


ATTY. VIC RODRIQUEZ HINDI PALA SINIBAK NOON KUNDI NAG-RESIGN DAHIL KINAKITAAN DAW NIYA NG CORRUPTION ANG MARCOS ADMIN -- Ayon kay senatorial candidate, former Executive Sec. Vic Rodriguez ay kaya raw siya kumalas kay Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ay dahil may naramdaman na raw siyang mga katiwaliang gagawin ang Marcos administration.


Kung ganu’n, fake news pala ang mga lumabas na balita noon na sinibak ng Malacanang si Rodriguez, kasi siya na mismo ang nagsabi, siya ang umalis o nag-resign sa Marcos admin, period!


XXX


MAHUHUBARAN NA NG MASKARA ANG MGA GUMAGASTOS SA MGA PA-SURVEY -- Nagpalabas ng resolution ang Comelec na nag-uutos sa mga survey firm na i-regulate at ilantad sa komisyon ang mga taong nagpapakomisyon o kung sino ang gumagastos sa mga isinasagawa nilang survey.


Ayos iyan para mahubaran na ng maskara kung sinu-sino ang mga gumagasta ng milyun-milyon sa pa-survey, boom!



Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page