ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 23, 2022

Wow! Hindi na talaga maawat si Willie Revillame sa pagbili ng mga properties na nagsisilbing investments na rin niya.
Bukod sa kanyang magarang mansion, may mga rest house rin siya sa Tagaytay Highlands at malaking hotel din sa Tagaytay na hindi pa nagbubukas para sa mga turista.
May nabili rin siyang malawak na resort sa Puerto Galera sa Mindoro na may limang (5) villas.
At ngayon, heto at nakabili na naman siya ng bahay sa Las Vegas, Nevada, USA na milyong dolyares ang halaga.
Nabili ni Willie ang nasabing bahay sa isang foreigner na nalugi at nagsara ang negosyo sa Las Vegas. Ipapa-renovate pa ni Revillame ang nasabing bahay na aabutin daw ng $2 M dollars (o P112 million) ang gagastusin sa renovation pa lang.
Walang detalyeng ibinigay ang Wowowin host kung magkano niya nabili ang kanyang bagong bahay sa Las Vegas.
Marami naman ang nagtatanong kung bakit sa Las Vegas bumili ng property si Revillame ganu'ng marami namang magagandang bahay sa New York, San Francisco atbp. progresibong state sa Amerika.
Well, ayon sa kuwento, malapit sa puso ni Kuya Willie ang Las Vegas dahil dito nakatira ang karamihan sa kanyang mga long-time friends noong hindi pa siya sikat na TV host.
At noong mawalan siya ng trabaho dati sa ABS-CBN ay sa Las Vegas siya nakitira at kinupkop ng mga kaibigang Pinoy. Kaya rito niya napiling bumili ng property upang mapalapit at makasama ang mga dating kaibigan.
Wala na ngang mahihiling pa sa buhay ang isang Willie Revillame. Nasa kanya na lahat ng material na bagay. Nabili na niya ang lahat ng makakapagpasaya sa kanya tulad ng mga luxury cars, yate, private plane, chopper, atbp.. Ito ang bunga ng kanyang hirap at pagod sa pagso-show.
Ang tanging hiling lang niya ngayon ay ang maging malusog at malakas at maging maayos ang pagsisimula ng kanyang show sa ALLTV!
Comments