top of page
Search
  • BULGAR

What you see is what you get na lang daw… KYLINE, EXCITED NA SA BONDING NILA NI KOBE SA CHINA

ni Beth Gelena @Bulgary| August 20, 2024



Showbiz News
Photo: Kobe Paras / Kyline Alcantara

Nagsalita si Kyline Alcantara hinggil sa kung ano ang meron sila ni Kobe Paras. 

Nasabi na ni Kobe sa isang interbyu na they are great friends, pero ang rumor sa kanilang dalawa ay hindi maputul-putol dahil kung saan-saang events sila nakikita. 


Katunayan, maging ang ama ni Kobe na si Benjie Paras ay gusto kung sino ang magustuhan ng anak. 


Lately naman ay napabalitang deactivated ang socmed (social media) accounts ni Kobe. 

Marami tuloy ang nag-iisip na may nangyayaring hindi maganda sa estado ng friendship ng dalawa. 


Pero, may balitang active na raw muli ang Instagram (IG) ni Kobe.

May balita ring magkakaroon ng project sina Kobe at Kyline. All-set na raw ang lahat. 


Hindi raw ma-express ng Kapuso actress ang kasiyahan sa opportunity na magkakasama sila ni Kobe sa isang proyekto. 


“We’re ready to explore a lot of things in life and I’m thankful that he said yes kasi I’m excited po to work with him,” ani Kyline Alcantara. 


Excited na rin daw silang mag-bonding ni Kobe sa China. 


Natanong tuloy kung ano talaga ang real score between them. 


“It’s a different feeling po, so I don’t know the exact words to describe it,” sagot ng dalaga. 

Dugtong pa nito, makikita naman daw sa kanilang actions at aura ang tungkol sa kanila. 

Hindi raw niya masabi ang exact words kung ano ang meron sila ngayon.


 

BINISITA ni Jessy Mendiola at ng anak nila ni Luis Manzano na si Peanut ang huli sa trabaho nito kamakailan. 


Ibinahagi ni Jessy ang mga kuha nilang larawan sa Rainbow Rumble’s (RR) set. 


Ani Jessy sa caption: “It’s visit papa @luckymanzano on work day! @isabellarosemanzano had so much fun playing in @rainbowrumbleph’s set. We’re so proud of you, Papa! Puwede na ba si Rosie na co-host mo? Swipe till the end.”


Komento ni Luis, “You made me happy (with heart emoji).”


Sey ng mga netizens: “@luckymanzano we love you.”


“I love the Manzano’s future best female host, ‘yan si little darling Peanut.”


 

MAY post si Philmar Alipayo na isang video nila ni Andi Eigenmann sa kanyang Instagram (IG) account. 


Sa video, makikitang nagpapahinga ang couple. Nakahiga si Philmar while Andi was beside him. 


Sa video, makikitang hawak ni Andi ang phone at ginagamit niya ito. 

Biglang umutot nang malakas si Philmar, kaya biglang napatingin si Andi sa kanya. 


Nang ma-realize ni Andi ang nangyari, she let out a funny smile at saka binirahan ng malakas na tawa. 


While laughing, Andi could be heard saying, “Oh my God,” dahilan para matawa ang mga netizens.


Nilagyan naman ni Philmar ng caption ang nasabing video, “If it doesn’t make them laugh, it's not healthy! So never do it again. I think too much sambal.”


Sabagay, aminin nating nangyayari naman ‘yan sa mag-asawa na walang pasintabi sa katabi kung talagang gusto nang lumabas ang hangin mula sa loob ng tiyan. 


0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page