top of page
Search

Wetpaks, super-kinis daw… MARIS, TUMAKBO NANG NAKA-BRA’T PANTY LANG SA BAGUIO

BULGAR

ni Rohn Romulo @Run Wild | Feb. 11, 2025



Photo: Maris Racal - Incognito / IG


Pinag-uusapan talaga ngayon sa social media ang mapangahas na eksena ni Maris Racal sa Incognito kung saan tumakbo siya na naka-bra, panty at medyas lang habang nakikipaglaban.


Pinagbibidahan ito nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, Anthony Jennings at Daniel Padilla.


Marami ngang bumilib sa tapang ni Maris na gawin ang mga nakakalokang eksena dahil hindi biro ang pinagdaanan niya bukod pa sa malamig na klima ng Baguio City, pero parang dedma lang siya.  


Mapapanood ito sa Episode 17 ng Incognito na may titulong Motive.

Of course, pinansin din ng mga netizens ang kanyang wetpaks na ang kinis-kinis.


Papasa raw si Maris na mag-Vivamax dahil sa kanyang kaseksihan.

Winner din ang tambalan nila ni Anthony sa serye, dahil nag-uumapaw ang kanilang chemistry, at hindi nagpapahuli sa pag-arte sa mga kasamahan nila.


 

SULIT na sulit ang ibinayad ng mga fans sa very successful na pre-Valentine reunion concert na Love, Sessionistas (LS) last February 8, 2025 sa The Theatre at Solaire sa Parañaque City.


Finally, natuloy na nga ang muling pagsasama-sama sa concert stage nina Ice Seguerra, Nyoy Volante, Sitti Navarro, Duncan Ramos, Princess Velasco, Kean Cipriano, at Juris.

Matagal-tagal na nga silang hindi nagkakasama sa mga live shows tulad ng ginagawa nila noon sa ASAP. March 2015 pa raw sila huling nagkasama-sama, kaya after a decade, natuloy na nga sa isang pasabog na concert na idinirek mismo ni Ice.


Dapat talaga ay 2019 pa plano na magkaroon ng big concert, inaayos na raw nila ang lahat pati ang venue, pero bigla namang nag-pandemic.


Pasabog ang opening number ng Sessionistas dahil binanatan nila ang Bohemian Rhapsody at We Are The Champion ng Queen, na pinalakpakan nang husto ng manonood.

Kasunod nito ang patikim na solo number ng pitong singers, most applauded dito sina

Duncan dahil sa Rainbow at Nyoy sa Someday.


Kasunod na kinanta ni Duncan ang sikat na kanta ng South Border na Ikaw Nga (theme song ng Mulawin).


Kasama rin sa concert ang segment na Dear Sessionistas kung saan ang mega love story letter senders ang kanilang napili na bigyan ng advice at special song, na for sure, maraming naka-relate at kinapulutan ng mga aral sa buhay.


May portion din sila kung saan na-showcase ang pagiging songwriters nila.

Next in line naman ang mga spot solo number nina Princess, Kean at Sitti sa kanyang huge hit na Para Sa Akin, na inihandog niya sa asawang si Joey Ramirez na nasa audience at nagse-celebrate ng birthday.


Much-awaited ang songs na Nasaan Ka Na ni Nyoy, ‘Di Lang Ikaw ni Juris at Pagdating ng Panahon ni Ice.


Sinubukan din nila ang kakaibang genre tulad ng pagra-rap habang humahataw, at tinawag nila ang grupo ng Sessionistas.


‘Kaaliw din ang version nina Ice, Nyoy, Kean at Duncan ng Gento ng SB19 at Salamin, Salamin ng BINI nina Juris, Sitti at Princess.


Kakaibang version naman ng Harana ang handog ni Kean at Buwan ni Nyoy.

Sa last segment ng concert, pinagtuunan naman nila ang tungkol sa pagiging mothers and fathers nila, na punumpuno ng inspirasyon, pati sa napiling mga songs. 


Masayang nagtapos ang concert, at ang iba nga ay parang nabitin pa sa napanood.

At sa mga hindi nakapanood at type ulitin ang sold-out concert na hatid ng Fire and Ice Entertainment, may repeat ito sa April 4, 2025 sa The Theatre at Solaire pa rin.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page