top of page
Search
BULGAR

Weder-weder lang 'yan… TRONO NI KRIS BILANG FIRST SISTER, KAY SEN. IMEE NA

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 3, 2023




Move over, Kris Aquino… Enter Imee Marcos as "First Sister" now in showbiz world.

Yes, Sir!


Dahil matagal nang wala sa showbiz limelight si Kris 'coz nagpapagamot nga ito sa ibang bansa, tapos ay hindi na rin president ng bansang 'Pinas ang yumao niyang kapatid na si Noynoy Aquino (SLN), kaya hindi na kay Kris ang title na "First Sister" sa larangan ng show business.


Weder some like it or not, ipinasa na namin nina Marites, Mosang at Marisol ang title na itech kay Sen. Imee Marcos 'coz very visible ito now sa showbiz world buhat or before and after ipalabas ang Maid in Malacañang.


At ngayon nga, showing na rin in theaters nationwide ang sequel nitong Martyr or Murderer kung saan si Sen. Imee ang creative producer at co-producer ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films at tagasalaysay pa rin kay Direk Darryl Yap kung anu-ano ang dapat isulat nitey sa screenplay ng nasabing dalawang pelikula.


Tapos, meron pang gagawing 3rd sequel na Mabuhay, Aloha, Mabuhay na si Aga Muhlach naman ang gaganap na Bonget, as in Bongbong Marcos.


Sa grand mediacon ng MiM at MoM at pati na rin sa premiere night ng said two movies ay present lagi si Sen. Imee at rumarampa rin kasama ang mga lead stars na tipong siya ang "star of the night" 'coz hindi siya nagpapakabog sa pagrampa nina Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Ella Cruz, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo, atbp. na tipong model-cum artistahin na rin ang arrive, puwera pa 'yung makahulugang mga sagot niya sa Q&A portion with showbiz writers and vloggers, in pernes to her, ha!


Si Cristine Reyes ang gumaganap na Imee Marcos sa MiM at MoM na talagang masasabing pang-Best Actress ang acting, sa true lang. Lumutang ang pagiging artista niya sa dalawang pelikulang nabanggit, na pati mata, kamay at bibig ay umaarte rin.


Ewan lang kung ganu'n din in real life ang ginawa ni Sen. Imee nu'ng nabubuhay pa ang kanyang dad na si ex-President Ferdinand Edralin Marcos, Jr., na sa pelikula ay ginampanan naman ni Cesar Montano.


Now, back to Sen. Imee Marcos, sa red carpet premiere night ng MoM na ginawa sa Cinema 1, 2, & 3 sa SM North EDSA The Block ay tipong kaydaming gustong magpa-picture sa kanya kaya lang ay napapaligiran siya ng kanyang mga security guards.


Si yours truly, ang ginawa ay kinawayan na lang si Sen. Imee with matching sigaw ng "Hi, Boss Imee!" at nagpakawala rin ito ng kaway with matching dialogue... "Kumusta ka, long time no see!"


Oh, siyempre, proud naman si ko-aks 'coz wala pa siyang tamang limot dahil nu'ng panahon ng Martial Law ay tipong Annie Batungbakal gabi-gabi na lang ay nasa disco si yours truly lalo na sa Stargazer Disco kung saan nakakasama namin ang First Sister na si Imee at ang First Son na si PBBM, na ang tawag namin ng barkada nila noon ay

"Bonget". Tapos, pinipigilan nila kaming umuwi nang wala pang 4 AM 'coz baka raw mahuli kami ng mga military sa kalye at dalhin kami sa PNP headquarters para maglinis ng banyo, CR at opisina bilang parusa, tapos pauuwiin na nila tulad ng naranasan ng aming namayapa nang co-showbiz writer na si Babette Villaroel (SLN).


Gusto sanang makausap ni yours truly sina Sen. Imee Marcos, Direk Darryl Yap at Boss Vic del Rosario para sabihing sana, ipinakita rin sa MiM or sa MoM 'yung napanood namin sa TV na naka-welding na sa utak ng inyong lingkod buhat nu'ng gabing sumiklab ang EDSA Revolution nu'ng 1986.


Tutok talaga kami noon sa panonood sa mga pangyayaring naganap nu'ng gabing 'yun via PTV-4. Ang eksenang napanood namin, nakaupo si ex-Pres. Macoy at pinapanood sa TV ang mga kaganapan sa EDSA nang biglang humahangos na dumating ang isang military man na may mataas na ranggo at humihingal na nag-dialogue sa dating pangulo ng mga katagang… "Mr. President, Sir! Dumarami na po ang mga tao sa EDSA, ano po ang pasya ninyo... bobombahin na po ba natin sila?"


Ang sagot ni Macoy noon na naka-welding na talaga up to now sa utak ni yours truly ay.... "Aba, huwag! 'Pag ginawa natin 'yan ay maraming mamamatay sa EDSA... kasama ang mga madre, pari at may mga kabataan pa. Hayaan na lang natin sila kung ano ang gusto nilang gawin at mangyari. Hayaan na lang natin kung ano ang aking magiging kapalaran sa kanilang mga kamay."


Ohhh, devah? Puwedeng lagyan ng background music na may lyrics that goes.... "Sino'ng dakila.... sino'ng tunay na baliw...." or puwede ring gawan ng sequel na ang title ay…


"Sino'ng Dakila... Sino'ng Tunay Na Nagpabaril?" boom, ganernnn!


Well, as my quotation goes....nagbabalik, nagdaraan ang nakaraan... tsuk, 'yun na!

'Yun lang and I thank you!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page