top of page
Search

Website ng mga govt. agencies, pinahihigpitan ang seguridad

BULGAR

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 16, 2023




Inatake ng mga hacker ang opisyal na website ng House of Representatives at pinalitan ang kanilang mga photo journals ng meme na nagsasabi ng "You've been hacked" nu'ng Linggo, ika-15 ng Oktubre, na nagresulta sa panandaliang pagsasara nito.


Ayon kay Dominic Ligot, founder ng Data Ethics PH, ang Data Privacy Act at ang Anti-Cybercrime Law ay epektibo lamang kapag may nangyaring paglabag sa batas o ginawang krimen.


Pahayag pa ni Ligot, na dapat magkaroon ng mahigpit na pagsusuri sa bawat portal ng pamahalaan na kayang i-access sa internet upang masiguro ang seguridad nito matapos ang hacking incident sa website ng HOR.


Maaari raw sabihing "hacktivism" ang nangyayaring ito kung saan ibinabalandra ng mga hacker ang kahinaan sa seguridad ng mga websites ng mga institusyon ng gobyerno upang magkaroon ng pagbabago o reporma ang sistema ng mga ito.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page