by Angela Fernando @News | July 28, 2024
Na-hack ang isang website ng Department of Energy na Government Energy Management Program (GEMP), ayon sa departamento nitong Linggo.
Tiniyak ng DOE sa publiko na nakatuon sila sa pagpapanatili ng seguridad ng kanilang system.
Naglabas ang DOE ng pahayag na na-hack ang website ng GEMP bandang alas-6 ng gabi nu'ng Sabado, dahilan upang pansamantalang mag-offline ang website.
"We immediately toook the system offline and began closely coordinating with the Philippine National Computer Emergency Response Team and the system's developer ti address the possible vulnerabilities of the website," saad ng DOE.
"While we are exerting all efforts to restore the website to full operation at the soonest possible time, we are also implementing our strategies to make our systems more resilient," dagdag pa nito.
Matatandaang ito ang pinakahuli sa data breaches at defacement sa mga website at systems ng pamahalaan, kabilang dito ang isang pag-atake sa web-based systems ng Maritime Industry Authority nu'ng Hunyo.
Comments