top of page
Search
BULGAR

WBA at WBO Crown, aagawin ni Spence kina Pacman at Crawford

ni Gerard Peter - @Sports | June 09, 2021




Gagawing isang hagdan patungo sa inaasam na pagiging undisputed welterweight champion ni unified WBC/IBF 147-pound title holder Errol “Truth” Spence ang susunod na laban sa nag-iisang eight-division World titlist Manny “Pacman” Pacquiao sa Agosto 21 sa Las Vegas, Nevada.


May pagkakataon na muling ibalik ng World Boxing Association (WBA) ang binawing titulo kay Pacquiao (62-7-2, 39KOs) matapos ilagay ito bilang “Champion in Recess” dahil nabigo itong idepensa ang titulo ng mahigit isang taon. Kasalukuyan pang na kay Cuban Yordenis “54 Milagros” Ugas ang “super” title, na siya ring target ni Spence (27-0, 21KOs) para sa three-belt unification.


Ngunit dahil mas matunog ang tapatan kay Pacquiao, tila nangangamoy ang muling pagbabalik ng titulo sa future Hall of Famer. At sakaling maging matagumpay ito laban kay Pacman at makamit ang WBA title, paniguradong pupuntiryahin na nito ang WBO 147-pound title ni unbeaten American Terrence “Bud” Crawford (37-0, 28KOs) para sa undisputed welterweight king


Once I get that belt, I mean, like I told Al, I want that fight with Crawford, but if it doesn’t happen I’ll probably just move up or something. I’m not going to waste my time trying to fight somebody who doesn’t have any interest anymore, doesn’t want to fight me anymore,” pahayag Spence sa Barbershop Conversations. “Terence Crawford has been trying to get that fight for how many years now? It’s excuses after excuses that Bob comes up with. Bob talks a lot of shit saying all of these things but Al (Haymon) gets the job done. I told (Haymon) I wanted the fight and it worked out in my favor.”


Inamin ng 2012 London Olympics campaigner na nakikita niyang may nalalabi na lamang siyang dalawang laban sa welterweight class, kaya’t hangga’t maaari ay nais niyang makalaban sina Pacquiao at Crawford. Ganun na lamang ang papuri ni Spence kay Pacquiao na tanggapin ang alok na laban, na kung hindi matutupad ang kahilingang makalaban si Crawford ay maghahanap na lang ito ng ibang makakalaban dahil patuloy itong hinahadlangan ni Top Rank CEO Bob Arum.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page