ni J. Repol | April 13, 2023
Naglayag ang warship ng Amerika malapit sa pinag-aagawang karagatan para igiit ang freedom of navigation o kalayaan sa paglalayag sa lugar.
Ayon sa United States Navy, dumaan ang Arleigh Burke-class guided-missile destroyer na USS Milius sa paligid ng Mischief Reef (Panganiban Reef) na bahagi ng Spratly Islands (Kalayaan Group of Islands).
Ang paglalayag umano ng USS Milius ay upang igiit ang mga karapatan at kalayaan sa paglalayag sa nasabing karagatan malapit sa Spratly Islands at naaayon ito sa international law.
Commenti