top of page
Search

Warriors nanambang para sa Playoffs, Lakers humihirit

BULGAR

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 11, 2023




Hinintay talaga ang huling araw at 1,230 laro ng 2023 NBA bago matukoy ang mga maghaharap sa Playoffs. Sinigurado ng World Champion Golden State Warriors na tuloy ang depensa ng kanilang korona habang nagbunga ang pagsisikap ng Los Angeles Lakers at patuloy ang kanilang huling hirit papasok sa Play-In Tournament.


Umiwas sa komplikasyon ang Warriors at nagwagi sa Portland Trail Blazers, 157-101, kung saan first quarter pa lang ay nagtala ang mga kampeon ng 55 puntos. Pumukol ng limang tres si Klay Thompson para sa 17 ng kanyang 20 puntos sa nasabing quarter habang nagtapos si Stephen Curry na may 26 puntos at umupo na ang Splash Brothers matapos ang third quarter at komportableng lamang, 118-73.


Umakyat ang Warriors sa 43-38 kapantay ang LA Clippers na nanaig sa Phoenix Suns, 119-114. Hawak ng Golden State ang tiebreaker at haharapin nila sa Playoffs ang pang-apat na Phoenix habang magsusubukan ang Clippers at pangatlong Sacramento Kings sa hiwalay na seryeng best-of-seven na magsisimula sa Linggo.


Umulit ang Lakers sa Utah Jazz, 128-117, sa likod ng 36 puntos ni LeBron James. Tiyak na ang Lakers bilang ika-pito sa West sa 43-39 panalo-talo at lalabanan sa Play-In ang ika-walo Minnesota Timberwolves para sa karapatan na laruin ang ikalawang Memphis Grizzlies (51-31).


Umangat ang Timberwolves sa ika-walo at nilundagan ang ngayon ay ika-siyam na New Orleans Pelicans, 113-108. Parehong 42-20 ang mga koponan at hawak ng Minnesota ang tiebreaker sa bisa ng dalawang panalo sa kanilang tatlong tapatan. Pumukol ng limang three-points si Karl Anthony Towns para sa 30 puntos at sinuportahan ni Anthony Edwards na may 26 puntos at 13 rebound.

0 comments

Recent Posts

See All

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page