top of page
Search
BULGAR

Warning o walarning? Kaloka ang PAGASA!

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Nov. 15, 2024



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mga mars at tsismars, ready na ba kayo sa juicy chika?Matapos tayo bagyuhin nang bongga nina ‘Kristine’, ‘Leon’, ‘Marce’, ‘Nika’ at ‘Ofel’, heto na ang nakakawindang na balita: super daming casualty! Anyare mga teh?Itanong mo sis sa PAGASA, nasaan na ang early warning? May budget naman tayo, ‘di ba? 


O ayan, halos P2 bilyon pa ang hinihingi para sa 2025! Pero ano itey, walang pondo para iligtas ang mga tao? Parang eksena sa teleserye — may badyet, pero wiz ang action?


Kung naging klaro lang sana ang warning, baka hindi ganito karaming kababayan ang naghirap. Pero ang ganap, ibang level ng horror, mga sis! Habang nagsi-swimming sa baha ang mga kababayan natin, nawala ang kuryente, tubig, at lahat ng essentials. At ang pinaka-shocking? Walang matinong abiso! Jusko, ilang araw silang stranded, walang tulong?


Eto ang latest na hanash: ayaw na ng madlang pipol sa mga weather advisory ng PAGASA! Bakit kaya? Eh kasi naman, mga besh, sino bang makaka-relate sa “torrential rain,” “coastal inundation,” at “gale-force winds”? Parang script lang ng showbiz press release! 


Dapat diretsahan na lang, “Mars, uulan ng bongga, maghanda na kayo!” Mas effective, ‘di ba?


Kaya PAGASA, take note: no more pasikat sa technical terms. Real talk ang kailangan ng madlang pipol, hindi pang-showbiz na English!


Dasurv ng mga Pinoy ang malinaw, mabilis, at swak na abiso! Agree?!


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page