top of page
Search

Wanted na carnapper, arestado

BULGAR

by News @Balitang Probinsiya | September 9, 2024



Quezon — Isang wanted na carnapper ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Carlo Japson, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay. 


Ayon sa ulat, dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping sa Naga City.


Nabatid na matagal nang pinaghananap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang itong natiyempuhang madakip.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga otoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya. 


 

DALAGITA, GINAHASA NG LOLO


GENERAL SANTOS CITY -- Isang 60-anyos na lolo na gumahasa sa isang 14-anyos na dalagita ang naaresto kamakalawa ng pulisya sa Brgy. San Jose sa lungsod na ito.

Hindi na muna isinapubliko ng mga otoridad ang pangalan ng suspek habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya. 


Ayon sa ulat, ang suspek umano ang itinuturo ng dalagita na gumahasa sa kanya sa bukid.


Matapos ang panggagahasa ay nagsumbong ang dalagita sa kanyang mga magulang kaya nagtungo sila sa pulisya at ipinahuli ang suspek. 


Sumama naman sa pulisya ang suspek nang dakpin siya at sa ngayon ay sinampahan na ng kasong rape.


 

2 KELOT, TIKLO SA BUY-BUST


NEGROS OCCIDENTAL -- Dalawang binatang drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Binicuil, Kabankalan City sa lalawigang ito.


Ang mga suspek, isang 24-anyos at isang edad 27, ay hindi na muna pinangalanan ng mga otoridad habang iniimbestigahan sila sa himpilan ng pulisya.


Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek nang pagbentahan nila ng shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng droga.


Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng 26 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


 

TOP 2 WANTED, NASAKOTE


ANTIQUE -- Isang top 2 most wanted criminal ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. San Vicente, Culasi sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek na edad 39, habang iniimbestigahan pa ito.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga otoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong robbery with homicide.


Nabatid na nakita ng mga operatiba ang suspek sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto.


Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page