top of page
Search
BULGAR

Wanted: 200 byuting teachers-broadcasters

ni Lolet Abania | September 10, 2020




Naghahanap ang Department of Education (DepED) ng 200 teachers-broadcasters upang gumawa ng mga episodes sa DepEd TV na isa sa mga paraan ng pagtuturo na ipapatupad ng ahensiya para sa distance learning.


Ayon kay DepEd Usec. Alain Pascua, nagbibigay sila ng matitinding workshops at pagsasanay para sa lahat ng nag-a-apply sa ahensiya at ilan lang dito ang nakakapasa.


Tinatayang 3,000 na ang nag-apply sa DepEd, subali’t 100 pa lamang ang pinalad at napiling mag-umpisa bilang teacher-broadcaster, kung saan nagsimula na ang mga ito na mag-shoot para sa episode ng DepEd TV.


Aminado ang ahensiya na mahirap makahanap ng magiging teacher-broadcaster dahil kahit bihasa ang mga ito at matagal nang nagtuturo ng kani-kanyang asignatura, kinakailangan na mayroong personality habang nagle-lecture sa harap ng kamera.


Sa isasagawang DepEd TV, magkakaroon ng 130 hanggang 200 episodes ng mga lectures na ipo-produce ang mga teachers-broadcasters kada isang linggo o limang episodes bawat isa sa kanila.


Gayunman, kahit mayroon nang 100 na nakapasa, nangangailangan pa ng 200 teachers-broadcasters para mapunuan ang mga episodes ng DepEd TV bago magbukas ang klase sa public schools sa October 5.


Samantala, tiniyak ni DepEd Sec. Leonor Briones na may ipatutupad ang ahensiya na alituntunin upang hindi na maulit pa ang naipalabas kamakailan na maling lecture sa telebisyon.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page