ni Lolet Abania | September 8, 2021
Suspendido ang klase sa ilang lugar sa bansa ngayong Miyerkules, Setyembre 8 dahil sa Severe Tropical Storm Jolina (Conson). Tinatayang nasa pitong beses nag-landfall si Jolina -- kung saan anim na beses bilang ganap na bagyo at isang severe tropical storm.
Narito ang ilan sa mga local government units (LGUs) na nagdeklarang walang pasok (online o face-to-face classes) sa kanilang lugar:
• San Juan City, Metro Manila – lahat ng levels (public at private)
• Batangas province – lahat ng levels (public at private)
• Cavite province – lahat ng levels (public at private)
• Laguna – lahat ng levels (public and private)
• Quezon province – lahat ng levels (public and private)
• Antipolo City, Rizal – lahat ng levels (public at private). Gayundin, ilang LGUs ang nag-anunsiyong suspendido ang kanilang government offices gaya ng Batangas, Laguna, Quezon Province.
Gayunman, ayon sa mga nabanggit na LGUs mananatiling operational ang kanilang health services, disaster response at iba pang kinakailangan serbisyo.
Samantala, nag-anunsiyo na rin ng kanselasyon ng kanilang klase sa Ateneo de Manila- pre-school, elementary, secondary levels at University of Santo Tomas - junior high school, Education high school, senior high school.
Patuloy naman na nagbibigay ng update ang iba pang LGUs hinggil sa suspensiyon ng klase at trabaho sa kanilang lugar dahil sa Severe Tropical Storm Jolina.
Comentários