top of page
Search
BULGAR

Walang tubig mula Hunyo 7-10

ni Lolet Abania | June 4, 2021



Makararanas ng pagkawala ng serbisyo ng tubig ang mga kustomer ng Maynilad Water Services, Inc. sa bahagi ng Makati, Pasay, Parañaque, Quezon City at Valenzuela simula sa Lunes (Hunyo 7) hanggang Huwebes (Hunyo 10).


Sa isang advisory, ayon sa Maynilad, ang Bangkal, Magallanes, Pio del Pilar at San Isidro sa Makati ay mawawalan ng tubig simula 11 PM ng Lunes (Hunyo 7) hanggang 7 AM ng Martes (Hunyo 8).


Ayon sa Maynilad, ang water interruption ay dahil sa pagkakabit ng isang 1.3 feet diameter flowmeter sa Arnaiz corner Manila South Diversion Road sa Barangay Pio Del Pilar.


Ang Don Bosco, Marcelo Green Village, Merville, Moonwalk, San Antonio, San Isidro, San Martin De Porres, at Sun Valley sa Parañaque ay walang supply ng tubig mula 7 PM ng Hunyo 7 hanggang 7 AM ng Hunyo 8, habang sa Barangays 181 hanggang 185 at Barangay 201 sa Pasay City ay may water interruptions sa pareho ring oras at petsa.


Sinabi ng Maynilad na magsasagawa sila ng mga repairs ng isang leak sa 3 feet diameter water pipeline sa kahabaan ng West Service Road at maintenance activities para sa Villamor Pumping Station sa Barangay 183.


Samantala, ilang kustomer sa Quezon City at Ugong, Valenzuela City ang mawawalan ng supply ng tubig simula 9 PM ng Martes (Hunyo 8 hanggang 1 AM ng Huwebes (Hunyo 10).


Apektado ang mga lugar sa Quezon City kabilang ang Bagbag, Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth, Greater Fairview, Gulod, Holy Spirit, Nagkaisang Nayon, North Fairview, Payatas, San Bartolome, Santa Lucia, Santa Monica, Sauyo, at Talipapa dahil sa water interruptions.


Pansamantalang isa-shutdown ng Maynilad ang kanilang North C Pumping Station at North C Annex sa Quezon City para sa gagawing leak repair, kasabay ng maintenance works sa naturang pasilidad.


Magsasagawa rin ng interconnection sa mga bagong installed water pipelines sa Barangay Batasan Hills, Commonwealth at Payatas, gayundin, ang decommissioning ng mga kasalukuyang water pipeline sa Barangay Santa Lucia, Quezon City.


Pinapayuhan ng Maynilad ang lahat ng kustomer na mag-ipon ng sapat na tubig.


Recent Posts

See All

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page