ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 3, 2021
Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pinoy na walang hanapbuhay noong Hunyo na umabot sa 3.76 million kumpara sa 3.73 million noong Mayo, ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Nananatili naman sa 7.7% ang unemployment rate sa bansa, ayon sa PSA. Samantala, inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga walang hanapbuhay ngayong buwan dahil sa ipatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Simula noong July 31 hanggang sa Agosto 5 ay isinailalim ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” at simula naman sa August 6 hanggang sa 20 ay ipapatupad na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa rehiyon.
Comments